Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/77

From Wikisource
This page has been validated.


— 71 —

Nagbangon siyá, nag ang tanda, taimtím na dinasál ang kaniyáng mga dalangin sa umaga at lumabas sa batalán, na pinagiingatang huwag may kumalatís sa kaniyang paglakad.

Walang himala ang araw ay sisikat na, ang umaga'y magiging maliwanag, ang simuy ay may daláng lamíg, ang mga bituwin sa silanganan ay lumálamlám at ang mga manók ay naglalalò sa kanilang pagtitilaok. Ang gayo'y malabis na paghinği; madali pang magawa ng Birhen ang magpadala ng dalawang daa't limang pûng piso! ¿Anó na lamang sa kaniyá, siyá na Iná ng Dios, ang magbigay noon? Nguni't sa ilalim ng larawan ay walang nátagpuan kundi ang sulat ng kaniyang amá na humihingi ng limáng daang pisong pangtubós.... Wala ng daan kundi ang lumakad. Nang mákitang ang kaniyáng lelong ay hindi kumikilos, ay inakalang natutulog, at nagluto na siyá ng salabát na pangagahan. Katakátaká! Sisá'y panatag at wari pang ibig. mátawá. ¿Anó kaya ang dinamdám niya't naghinagpis ng katakottakot ng gabing yaón? Hindi namán siyá málalayo, maaaring dalawin sa tuwing makalawa ang bahay; mákikita siya ng kaniyang lelong, at tungkol namán kay Basilio ay malaon ng alam ang masamang lakad ng usap ng kaniyang amá, kaya't madalás na sabihin sa kaniyà na:

—Pag ako'y naging médiko at makasal na tayo ay hindi na kakailanganin ng amá mo ang kaniyáng mga tupain.

—¡Malaking kahangalán ang nagawa kong panggigipuspós—anyá sa sarili samantalang inaayos ang kaniyang tampipì..

At sa dahiláng násagi ng kaniyang mga daliri ang agnós ay inilapit sa kaniyang labi, hinagkán, nguni't kinuskos kaagad ang bibig dahil sa takot na máhawa; ang agnós na iyon na may brillante at esmeralda ay galing sa isang ketongin.... ¡Ah! kung magkagayón, kung siya'y magkaroon ng gayong sakít, ay hindi na siyá mag-aasawa.

Sa dahilang nagliliwanag na at nakita ang kaniyang lelong na nakaupo sa isang sulok, na sinusundán ng tingin ang lahát ng kaniyang kilos, ay kinuha ang kaniyang tampipi ng damit at nakangiting lumapit upang humalik ng kamay. Benindisionan siyá ng matanda na walang kaimíkimík. Nag. birô pá siya.

—Pagdating oi tatay ay sabihin ninyong napasok din