— 70 —
mátutuhan ay makakatagpo ng malalakás na kalaban. Gayón
mán, kahit hindi ninyó tinugunán ang aking pag-asa, sa
araw na magbago kayó ng paghahakà, ay hanapin ninyó akó sa
aking bahay sa Escolta at paglilingkurán ko kayó ng boông lugód.
Napasalamat si Basilio at lumayo.
—Námali kaya akó ng tukoy?—ang bulong ni Simoun ng siya'y nag-iisá na—alinlangan kayâ sa akin ó lubhang lihim na binabalak ang kaniyang higanti kaya't ipinangangambang ipagkatiwalà sampú sa katahimikan ng gabi? Ó kaya'y sa dahilang pinawi na sa kaniyáng pusò aug damdaming pagkatao ng mahabang panahong pamamanginoon at walang inilabí kundi ang hilig pagkahayop na mabuhay na lamang at magpadami ng lipi? Kung gayon ay sira ang bubuán at ang nararapat ay tuna wing muli.... Ang pagkakamatay nga ay kailangan na: mamatay ang mga walang kaya at málabí ang mga lalong malakás.
At mapanglaw na nagpatuloy, na waring may katungo:
—Magtiístifs muna kayó, kayóng mga nagpamana sa akin ng isang pangalan at isáng tahanan, magtiístiís muna kayo? Lahat ay nawala sa akin, ang bayan, ang kinabukasan, sampú ng inyong mga libingan.... nguni't magtiístiís muna kayo! At ikaw budhing marangál, dakilang kaluluwá, pusòng mapaglingap na nabuhay sa iísáng hangad lamang at ipinará mo ang iyong buhay na hindi man nag-antáy ng pasasalamat at paghanga ng kahit sino, magtiís ka muna, magtiís tiís ka! Ang mga kaparaanang ginagamit ko ay hindi marahil ang ginamit mo, nguni't siyang lalong madali.... Nálalapít na ang araw, at pagliliwanag ay akó na rin ang magbabalità sa inyó: ¡Magtiístiís muna kayo!
VIII
¡MABUTING PASKO!
Nang imulat ni Huli ang namumuktông matá ay nákitang madilím pá ang bahay. Nagtitilaok ang mga manók. Ang unang pumasok sa kaniyang kalooban ay ang sapanta hàng marahil ay gumawa ng isáng himala ang Birhen at ang araw ay hindi sisilang kahit na inaanyayahan ng mga manók.