Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/75

From Wikisource
This page has been validated.


— 69 —


katapos ay ilalaán sa pahirapang patuloy ni Simoun pakutyâng ginayahan ang pag-bigkás ni Basilio ng mga salitâ—¡Kay inam na kinabukasan ang inihahanda ninyó sa kanilá, at pasasalamatan sa inyó ang isang kabuhayang pawàng pangangayu papà at paghihirap! ¡Mabuti, binatà! Pag ang. isang katawan ay hindi na kumikilos ay hindi na kailangang siya'y patibayin. Dalawang pung taong ganap na pagkaalipin, pangangayupapàng walang likat, walang hulaw na pagkakaratay, ay nakalilikha sa kaluluwá ng isang pagkahukót na hindi maitutuwid sa isang araw. Ang mabubuti ó masasamang kalooban ay minamana at nagkakasalinsalin sa mğa magulang at mga anák. Mabuhay na nga ang inyong kaigaigayang mga paghahakà, mabuhay ang pangarap ng alipin na walang hinihingi kundi kaunting bunót na sukat maibalot sa tanikala upang mapahinà ang kalansíng at ng huwag masugatan ang kaniyang balát! Ang hinabangád ninyo'y isang munting tahanan na may kaunting kaluwagan; isáng asawa't kaunting bigás: iyán ang lalaking pinakamagaling sa Pilipinas! Siya, kung ipag-kaloob sa inyó ang bagay na iyán ay akalain na ninyong kayo'y mapalad.

Si Basilio na nahirati sa pagsunod at sa pagtitiis sa kainitan ng ulo ng kapitáng Tiago, at nabighani kay Simoun na namamalas niyang kasindáksindák at kakilakilabot sa gitna ng isang lagay na tigmák sa luhà at dugo, ay nagnasàng mangatwiran, sa pagsasabing wala siyáng kakayahang manghimasok sa polítika, na wala siyang masasabi, sapagka't hindi niya napag-aaralan ang bagay, nguni't kailan ma'y handâ siyang maglingkód, sa araw na hilingin sa kaniyá,. na sa mga sandaling iyon ay wala siyang nakikitang kailangan liban sa ang bayan ay mátuto, at ibp. Pinigil ni Simoun ang kaniyang salita sa isang galaw, at sa dahilang malapit nang magumagá, ay nagsabing:

—Binatà, hindi ko ipinagbibilin sa inyó na itago ang aking lihim, sapagka't batid ko na ang pagkamalihim ay isá sa inyong ugaling tagláy, at sakâ ang isá pa'y kahit na ibigin ninyong ako'y isuplóng ay unang paniniwalaan ang mag-aalahás na si Simoun, ang kaibigan ng mga may-kapangyarihan at ng mga pari, kay sa nag-aaral na si Basilio, na pinaghihinalaan nang pilibustero, sa dahilang siya'y taga ritong natatangi at nábabantóg, at sapagka't sa ninanasàng.