— 68 —
sa lupà, ay hindi makapagbibigay buhay pang muli sa isang
buhók man lamang ng aking iná, hindi makapagpapasariwà ng
isáng ngiti sa mga labi ng aking kapatid! Matulog na siláng
mapayapà.... ¿anó ang mahihitâ ko kahi't maghiganti?
—Iwasan na tiisin ng iba ang inyong tiniís, upang sa Búsunod ay maiwasang magkaroon pá ng mga anak na pinatay at mga inang napilitang maulol. Ang pagpapaumanhín ay hindi laging kabaitan, siya'y kasamaán pag naguudyok sa paniniil: walang man-aalipin doon sa walang napaaalipin. ¡Ay ang tao'y sadyang inay kasamàán, na kailan ma'y nagpapakalabis pag nakakatagpo ng uma-alinsunod. Gaya ninyo'y ganyan din ang paghahakà ko, at alám ninyo kung anó ang aking sinapit. Binabantayán kayó gabí't araw ng mga may pakana ng inyong kasawián; naghihinalang kayo'y nagaantay ng isang sadyang panahón; inaakalang isang mahigpít na hangád na makagantí ang inyong pagpupunyaging matuto, ang inyong hilig sa pag-aaral, sampû ng inyong pananahimik. Ang araw na magagawang kayo'y pawlin ay papawiin kayo na gaya ng ginawa sa akin, at kindi kayó papayagang lumaki, sapagka't kayo'y kinatatakutan at kinamumuhîán.
—¿Kamuhián ako? ¿Kamuhián pá akó matapos ang masamang ginawa sa akin?—ang tanong na pamangha ng binatà.
Si Simoun ay humalakhák.
—Katutubo ng tao ang mámuhî doon sa inapí niyá, ang sabi ni Tácito na pinatibayan ang quos lceserunt et oderunt ni Séneca. Kung ibig ninyong masukatan ang mga ginagawang pang-aapí ó kabutihan ng isang bayan sa kapuwa, ay wala kayong ibang dapat gawin kundi tingnán na lamang kung kinamumuhîán ó minámahál. At sa ganyán ay naliliwanagan. na kung bakit ang ilang yumaman dito, mulâ sa mga matataás na kutungkulang ginanap. ay pawang pag—alimura at pag-alipusta ang ipinatutunkol sa kanilang pinahirapan, pagbalík sa España. Proprium humani ingenii et odisse quem læseris.
—Datapwa'y kung ang mundo ay malaki, kung binabayàang matahimik sa kanila ang kapangyarihan.... Kung wala akong ibáng hinihingi kundi ang gumaya, bayàan akóng mabuhay.....
—¡At magkaroon ng mga anak na mapayapà na pag-