— 67 —
tupok sa apóy, upang, sa pangingilabot ng budhing bayan ay
ihayag na malayà ang budhi ng bawa't isang tao. Kailangan
din namán na ang lahat ay tumugón sa katanungang sa
araw-araw ay ginagawa ng bayan na inilalahad sa kanilá
ang kamay na nakatanikala. Ang pag-ibig sa bayan ay magiging pagkakasála sa mga bayan lamang na manglulupig sapagka't ang pagnanakaw naman ay lalagyan ng isang mainam
na pangalan; nguni't kahi't maging wastong-wasto na ang
katauhan ay magiging isang kabanalan din ang pag-ibig sa
tinubuan, sa mga bayang sákop, sapagka't sa lahát ng sandali'y may kahulugang pag-ibig sa katwiran, pag-ibig sa kalayaan, pag-ibig sa karangalan. Ang kalakhán ng isang tao'y
hindi ang magpáuna sa kaniyang kapanahunan, bagay na
hindi namán mangyayari, kundi ang hulaan ang kaniyang
mga adhika, tugunán ang kaniyang mga pangangailangan at
turùan siyang magpatuloy sa lakad. Ang mga "genio" na
inaakala ng karamihan na nagpáuna sa kanilang kapanahunan,
ay namamalas lamang na gayón sapagka't tinátanaw siláng.
mulâ sa malayo ng mga sumusuri, ó inaakalang daang taon
ang buntót na nilalakaran ng mga náhuhuli.
Si Simoun ay tumigil. Nang nakitang hindi mapasigabó ang malamíg na kaluluwáng iyón, ay gumamit ng ibang pangangatwiran, at tumanóng na inibá ang pagsasalita.
--At sa ala-ala ng inyong iná at kapatid anó ang ginagawa ninyo? ¿sukat na ba ang sa taón taón ay pumarito at tumaghóy na wari'y babai, sa ibabaw ng libingan?
At tumawa ng pakutya.
Tumamà ang tudlâ; si Basilio'y nagbagong anyô at humak báng ng isang hakbáng.
—Ano ang ibig ninyong gawin ko?—ang tanong na nagngangalit—Walâng pagkunan nang kailangan, walang katangian matatamó ko bagá ang katwirang laban sa mga pumatay sa kanilá? Isá pá akong masasawi, at madudurog akóng kagaya ng kaputol na salaming ipukol sa isang batong buháy. Ah, masama ang ginawa ninyong ipaalala pá sa akin, sapagka't iya'y isang walang kabuluhang pagtangki sa sugat.
—At kung ihandóg ko sa inyó ang aking tulong?
Iginaláw ni Basilio ang ulo at nag-isip.
—¡Lahát ng pagtatagumpay ng katwiran, lahát ng higanti