— 66 —
—Hindi, hindi pô ginoo, ang pakumbabang sagot ni Basilio —hindi po akó humahalukipkíp, ako'y gumagawa na gaya ng paggawa ng ibá upang maibangon sa labí ng nakaraán ang isang bayan na ang kaniyáng mga tao'y nagtutulungán at ang bawa't isa sa kanila'y dumádamdám sa sarili, ng budhî't kabuhayan ng kalahatán. Nguni't kahi't anóng sigabó ang taglayin ng mga tao sa ngayon ay nakikilala namin na sa malaking gawaang bayan ay dapat magkaroon ng paghahatihati ng gawâ; pinili ko ang aking gagawin at tinungo ko ang karunungan.
—Ang karunungán ay hindi siyang hantungan ng tao— ang wikà ni Simoun.
—Siya ang tinutungo ng mga bansâng lalong bihasa.
— Oo, nguni't parang isáng kaparaanan lamang sa paghanap ng kaligayahan.
— Ang karunungan ay siyáng walang paglipas, lalong kagalingan ng katauhan, lalong ukol sa sangsinukob—ang sagót ng binatà sa isang sulák ng kalooban—Sa loob ng iláng daang taón, pag ang katauhan ay matalino na't nabango sa kinalalagyan sa ngayón, pag wala na ang mga lipi, pag ang lahat ng bayan ay pawang malalayà na, pag wala ng alipin at umaalipin, sakop na bayan at nakasasakop, pag ang naghari ay isang kapangyarihan na lamang at ang tao'y naging mamamayan ng sanglupalop, ay walang málalabí kundi ang pananalig sa karunungan, ang salitang pag-ibig sa bayan ay magkakaroon ng kahulugang dalubasàng pananalig at ang sa panahong iyan ay magbunyag ng kaniyang taglay na pag-ibig sa bayan ay marahil kulungin na waring isáng mapanganib na may sakit, isáng mangguguló sa pagkakasundo ng lahát.
Si Simoun ay napangiti ng malungkot.
— Oo, oo—ang wikàng infiling ang ulo—datapwa'y upang sumapit ang gayóng kalagayan, ay kailangang huwag magkaroon ng mga bayang manggagahís, ni mga bayang mangaalipin, kailangang ang tao'y maging malayà saán man pumaroon, mátutuhang igalang sa karapatán ng ibá ang kaniyáng sariling pagkatao, at upang mangyari ito'y kailangan munang magsabog ng maraming dugo, ang pagtutunggali'y kailangan...... Upang daigin ang matandang pananalig, na sumisiil sa mga budhi, ay kinailangang ang marami ay ma-