Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/70

From Wikisource
This page has been proofread.

— 64 —


mabuti, nguni't ang katotohana'y gumagawa ng laban sa kanilang bayan.... Makailang kong tinangka ang lumapit sa inyó, hubdín ang pagbabálatkayo at pawiin ang inyong pagkakamali nguni't sanhi sa mga pagpapalagay sa akin ay marahil masamain ang aking mga pangungusap at nagkabisô pa'y magbunga ng laban sa akin akalà...... ¡Makailang tinangka ko ang lumapit sa inyong Makaraig, sa inyóng Isagani! Maminsan minsan ay naiisip kong sila'y patayin, lipulin......

Si Simoun ay tumigil.

—Basilio, itó ang sanhi kung kaya hindi ko kayó pinatáy, at máhandâ ako, na dahil sa isang kabiglaanan, balang araw ay ihayag ninyo ang aking kalagayan.... Batid ninyó kung sino akó, alám ninyo ang aking mga tiniís, paniwalaan ninyo akó; hindi kayo kabilang ng karamihan na ang tingin sa mag-aalahás na si Simoun ay isang maglalakò na naguudyok sa mga may kapangyarihan sa gawang pamamasláng upang ang mga naapí'y bumilí sa kaniyá ng hiyas.... Akó ay isang hukón na may nasàng magparusa sa isang pamamahalà, na, ang gagawing kasangkapan ay ang sarili niyang kasamaán; bakahin siya sa paraang siya'y ayùin.... Kailangan kong ako'y inyong tulungan, gamitin ninyo ang inyong kayang makaakit sa kabataan upang labanan ang baliw na nasàng makikastilà, pakikiugali, pagpapantay pantay karapatán.... Sa landasing iyan ay ang maging isang masamang huwad lamang ang matatamó, at nárarapat na ang bayan ay luminĝap ng lalong mataás. Isáng kabangawán ang akitin ang pag-iisip ng mga namamahalà; mayroon na silang takdang balak, may piring ang mga matá, at, bukód sa ang gayón ay isang pag-aaksayá ng panahón, ay dinadayà pá ninyó ang bayan sa mga pag-asang hindi mangyayari at nakatutulong pa kayo upang yumuko sa harap ng nangduduhagi. Ang dapat ninyong gawin ay samantalahin ang kaniyang mga pag-aalinlangan sa kapakinabangan ninyó, ¿Ayaw kayóng ihawig sa kastilà? ¡Mabuti sa gayon ay magpakatanği kayó sa pagbabadha ng sariling kaugalian, itayo ninyo ang tuntungan ng bayang pilipino.... ¿Aayaw kayóng bigyán ng pag-asa? ¡Mabuti ngâ! huwag kayóng umasa sa kaniyá, asáhan ninyó ang sarili at kumilos kayó. ¿Aayaw kayóng bigyán ng kinatawan sa Corte? ¡Lalòng mabuti! Kahit na kayó ma-