Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/69

From Wikisource
This page has been proofread.

— 63 —


na salita sa wikang iyan; bawà't bayan ay may kaniyang sarili, gaya rin naman ng pangyayaring may sariling pagdaramdám. ¿Ano ang gagawin ninyó sa wikàng kastila, kayóng iíláng gagamit? Patayin ang inyong katangian, isailalim ng ibang utak ang inyong mga pag-iisip at hindi kayo magiging malayà kundi magiging tunay na alipin pa nga. Ang siyam sa bawà't sampû ninyong nag-aakalang kayo'y mğa bihasá, ay pawang tumakwil sa inyóng tinubuan. Ang bawà't isá sa inyó na gumagamit ng wikàng iyán ay napapabayaan ng lubos ang kaniyang sarili na hindi man maisulat ni máwatasan, at lilán na ang nakita ko na nagpapakunwaring hindi nakababatid ni sáng bigkas man lamang ng salitang iyán! Salamat na lamang at inayroon kayóng isang mulalâng pamahalàang. Samantalang ipinipilit ng Rusia ang wikàng ruso sa Polonia upang ito'y kaniyang maalipin, samantalang ipinagbabawal ng Alemania ang wikàng pransés sa mga lalawigang kaniyang nasakóp, ang inyong pamahalaan naman ay nagpupunyagi na huwág alisin sa inyó ang sariling wikà, datapwa't kayó, hayang kahangahanġà na hawak ng isang pamahalaang hindi malirip, kayo'y nagpupumilit na iwan ang inyong katangian sa pagkabaneâ! Ang isa't isá sa inyó ay nakalilimot na samantalang ang isang bayan ay may sariling wika ay taglay niya ang kaniyang kalayaan, gaya rin namán ng pagtataglay ng tao ng pagsasarili samantalang tinataglay ang kaniyang sariling pagkukurò. Ang wika ay siyáng pag-iisip ng bayan. Mabuti na lamang at ang inyong pagsasarili'y sadyang darating: ¡inaandukha siya ng mga kalaswaan ng tao!....

Si Simoun ay huminto at pinahid ng kamay ang noo. Ang buwan ay sumisikat at inihahatid doon ang kaniyang malamlám na liwanag na nakalúlusót sa puwang ng mga sangá. Dahil sa naliliwanagang papaitaas ng lámpara ang magaalahás, na matigas ang anyo at maputi ang buhok, ay waring isang multó ng kagubatan na nagbabalak ng kalagimlagím. Sa harap ng gayóng katitigás na sumbát ay nakatungong walang imík si Basilio. Nagpatuloy si Simoun:

—Nákita kong binabalak ang kilusáng iyan at dumanas akó ng magdamagang ligalig, sapagka't batid kong sa kabatàang iyan ay mayroong may taglay na katalinuhan at pusong. maitatangi na nagpapakalulong sa bagay na inaakala nilang