— 62 —
pag-asa Pamahalaan, bagay na hindi dárating: nárito't isáng lamán na kumikilos dahil sa init at buhay na dalá, malinis, batà, malusog, kumikinig sa dugo, sa kasiglahán, ay biglang sasusulpót upang humandóg na muli na warî bagong pagkain...... ¡Ah,, ang kabataang kailán ma'y mapangarap at kulang sa pagkákilala sa mga bagay-bagay, laging kasunod ng mga paróparó at mga bulaklak! Nangagsapisapi kayō upang sa inyong lakás ay mapagtali ninyó ng taling pulós na bulaklák, ang inyong bayan at ang España, gayong ang tunay ninyong ginagawa ay ang pagyari ng tanikalang matigás. pá kay sa diamante. ¡Humihingi kayó ng pagkakapantaypantay sa karapatán, pag-uugaling kastilà sa inyong mga hilig, at hindi ninyó nákikitang ang hinihingi ninyo'y ang kamatayan, ang pagkapawi ng inyong pagkamamamayán, ang pagkaduhagi ng inyong inang-bayan, ang pananagumpay n paniniíl! ¿Ano kayo sa araw ng búkas? Bayang walang budhi, bansang walang kalayaan: ang lahat ng taglay ninyo'y pawàng hirám, sampú ng inyong mga kasiraan. Humihingt kayong maging parang kastilà at hindi kayó namumutla sa kahihiyan kung ipagkaft sa inyó! At kahit na ipagkaloob sa inyó ¿anó ang inyong hangád? ¿anó ang inyóng mátatamó? Maligaya na kayo kung maging bayan ng pag-aalsá, bayan ng mga digmaan ng mga magkababayan, republika ng mga mangdaragit at di nasisiyaháng loób na kagaya ng ilang repúblika sa timog ng Amérika! ¿Ano ang layon ninyo sa pagtuturo ng wikang kastilà: hangád na kahiyahiya kung hindi lamang napakasama ang ibubunga? ibig ninyong dagdagán ng isa pang wikà ang apat na pu't kung ilan pangginagamit sa Kapuluan upang huwag kayong lalong magkaantiluhan!...
—Hindi po—ang tugón ni Basilio—kung dahil sa pagkaalám ng wikang kastilà ay mapapalapít tayo sa Pamabalaan, sa isang dako naman ay magiging sanhi ng paglalapitlapít ng mga pulô.
—Laking kamalian!—ang putol ni Simoun-napadadayà kayó sa maiinam na pangungusap at hindi ninyo tinutungo ang latak at sinusuri ang huli niyang isanák. Hindi magiging siyang karaniwang salita dito kailan man ang wikang kastilà, hindi siya gagamitin ng bayan, sapagka't ang mga. bukál ng pag-iisip at puso nito ay walang katimbang