— 61 —
At iniunat ni Simoun ang kaniyang mga kamay na tungo sa lupà, na waring sa kilos na iyon ay ibig palagiin doón ang mga labi ng nasirà. Ang kaniyang tingig ay nagkaroon ng kasindáksindák at kalagimlagím na tunóg, na nakapangilabot Ba nag-aaral.
—Sa tawag ng masasamang hilig ng mga namamahalà ay bumalik ako sa Kapuluang itó, at sa ilalim ng anyông mángangalakal ay linibot ko ang mga bayánbayán. Sa tulong ng aking yaman ay napasok ko ang lahat at saa't saán man ay nakita ko ang pangangamkam sa lahat ng anyông kahalayhalay, minsan ay may balát-kayô, minsa'y lantád na lantád, minsan ay ganid na nagpapakasawà sa isang katawáng patay, na gaya ng ginagawa ng isang buitre sa bang. kay, at náitanóng ko sa sariling ¿bákit hindi tumitindí sa kaniyang bituka ang kamandag, ang ptomaina, ang lason ng mga libingan upang mamatay ang nakaririmarim na ibon? Binabayaan ng bangkay na siya'y gutayin, ang buitre'y napupundakanan sa lamán, at sa dahilang hindi ko makaya ang siya'y bigyan ng buhay upang makalaban sa nagpapahirap sa kaniya, at sa dahilang mahinà ang pagkabulók, ay pinasiglá ko ang kayamúan, aking inayunan, ang pagsalausáng sa katwiran at kapaslangán ay nag-ibayo sa dami; aking pinalalò ang pagkakasala, ang mga gawang malulupft, upang ang bayan ay mahirati sa kamatayan; aking pinalagi ang ligalig upang sa pag-iwas dito ay humanap ng kahit anong kaparaanán: aking hinadlangán ang pangangalakal upang kung mahirap na ang bayan at pulubi na ay walâ ng sukat ipanganib aking inudyukán sa pangangamkám upang magsalát ang kayamanang bayan, at dahil sa hindi pá sapát sa akin ang mga bagay na ito upang gisingin sa panghihimagsik ang bayan, ay sinugatan ko ang bayan sa dakong lalong dádamdamín, ginawa kong ang buitre na ang lumait sa bangkáy na nagbibigay buhay sa kaniya at kaniyang bulukin..... Nguni't nang akin ng magaga wang sa lubos na kabulukán, ng pawang yagit, na pagkakahalohalò ng maraming bagay na nakaririmarim, ay tumindi ang lason, nang ang pagkagahaman ng kayamuan sa kaniyang kalituhán ay nagdudumali na sa pagsunggap sa lahat ng abót ng kaniyang kamay na waring isang matandang babaing nábigla ng sunog, ay sásisipot kayong nangangalandakan ng pagkakastilà, umaawit ng