— 60 —
Isáng lubos na katahimikan ang sumunod sa mga salitâng itó, katahimikang inaring amoy kabilang buhay ng binatà. Gayón man, makaraan ang isang mahabang pag-aalinlangan, ay linapitan siya ni Simoun at piniglán sa balikat at sinabi sa kaniyang ang boses ay nanginginig, na:
—Basilio, nakababatid kayó ng isang lihim na mangyayaring ikasawi ko at ngayo'y nakátuklás ng isá pá, na kung mábanság ay makasisirà sa aking layon, kaya't ang boô kong buhay ay nasa kamay ninyó. Upang ako'y tumiwasay at alangalang sa ikaaayos ng inaakalà kong gawin ay dapat kong sagkáán ang iyong mga labi, sapagka't ianó ang kabuluhan ng buhay ng isang tao sa kalakhán ng bagay na aking tinutungo? Mainam ang pagkakátaón, walang nakababatíd uğ aking pagparito, ako'y may sandata, kayo'y walâ; sa mga tulisán ibibintang ang kamatayan ninyó kun di man sa isang bagay ng kabiláng mundó.... nguni't, gayón man ay babayaan kong kayo'y mabuhay at inaakalà kong hindi ko ipagdaramdam sa huli ang gayón. Kayo'y nagsumakit, nakipagtunggali ng lubhâng tiyagâ.... at gaya ko rin kayong may kailangang makipagtuús sa sosyedad; ang kapatid ninyong munti ay pinatáy, ang inyong iná'y naulól, at hindi pinag-usig ng sosyedad ni ang nakamatay ni ang nagpahirap. Tayong dalawa'y nábibilang sa mga uháw sa katwiran, at hindi dapat tayong magtunggali kun di magtulungan.
Si Simoun ay humintong pinigil ang buntonghiningá at pagkatapos ay banayad na nagpatuloy na palingaslingas ang tingín:
—Oo, ako nga iyong may labing tatlong taon na ngayón nang naparito, na may sakit at karumaldumal ang anyo upang dulutan ng huling handóg ang isang kaluluwang magiting at matapát na inilaan ang buhay nang dahil sa akin. Inís ng isang pamamahalang masama ang hilig ay naglagalág akó sa boông mundó at maghapo't magdamag na pinunyagi ko ang makapag-ipon ng isang kayamanan upang masunod ang aking layon. Ngayo'y nanumbalik akó upang durugin ang pamamahalang iyán, padaliin ang kaniyang pagkabulók, iabóy sa banging tinutungo, kahi't na kailanganin kong gamitin ang pagbaha ng luhà at dugo.... Hinatulan na ang kaniyang sarili, yari na, at ayokong mamatay ng hindi ko muna siyá mákitang durógdaróg sa kailaliman ng bangin.