Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/65

From Wikisource
This page has been validated.

— 59 —


muling pumasok sa kaniyang pag-iisip sa harap ng mahiwagàng táong yaón.

Ang namatay ay may dalawáng sugat na gawa ng punglô, ayon sa kaniyang napag-aralan pagkatapos, at marahil iyon. ay gawa ng paghahabulán sa lawà. Kung gayon ay si Ibarra ang namatay na naparoon upang mamatay sa libingan ng mga magulang, at ang nasàng sunugin ang kaniyang bangkay ay marahil nakuha sa ugali sa Europa na doo'y sinusunog ang patay. Kung gayon ay sino ang isa pa, ang buháy, ang Simoung itó na manghihiyas, na noon ay anyông dukhangdukha at ngayo'y mayamangmayaman at kaibigan ng mga may kapangyarihan? Doo'y may lihim na sa kalamigang loob ng ating nag-aaral ay ninasàng ta. huín, at inantay ang kailangang pagkakataon.

Samantala nama'y hukay ng hukay si Simoun, nguni't námasdán ni Basilio na nanghinà na ang dating lakás: si Simoun ay humihingal, hirap sa paghingá at sa bawa't sandali ay tumitigil.

Si Basilio'y nanganib na bakâ siyá mákita, kaya't sa biglang udyók ng kalooban ay tumindig sa kinauupán at nagsabing walang pagbabago ang boses:

—¿Matutulungan ko po ba kayó, ginoo....?—ang tanóng, ng makaalis sa kinákanlungan.

Si Simoun ay umunat, lumundág na wari'y tigreng na. bigla, idinukot ang kamay sa bulsá ng amerikana at tiningnáng namumutla at kunót ang noo ang nag-aaral.

—May labing tatlong taon na ngayong ako'y pinauta- ngan ninyo ng loob, ginoo,—ang patuloy na walang tigatig ni Basilio sa pook ding itó, sa paglilibing sa aking iná, kaya't ikaliligaya ko ang matulungan naman kayo.

Dinukot ni Simoun sa kaniyang bulsá ang isang rebolber, na hindi inilalayo sa bagongtao ang paningin. Nádingíg ang lagitlít ng isang armás na iniakmá.

—¿Sino pô bá ako sa akalà ninyó?—ang sabing humak. báng ng dalawang hakbang na pauróng.

—Isá pong táong aking iginagalang ang sagot ni Ba. silio na may pakagulumihanan, sapagka't inaakalâng yaon na ang huli niyang sandalt,—isang taong tangi sa akin, inaakala ng lahát na patay na, at táong ang kaniyang mga kasawíán ay dinamdám kong palagi.