Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/63

From Wikisource
This page has been validated.

— 57 —

Ang taong ito'y siyáng huling taón ng kaniyang pag-aaral at sa loob ng dalawang buwan na lamang ay "médico" na siyá, uuwi na sa kaniyáng bayan, pakákasal kay Juliana at mamumuhay silang maligaya. Ang pagtatamó niyá ng "licenciatura" ay hindi lamang tiwasay niyáng ináantáy kun di inaasahan pá niyang magiging maningning na pinakaputong ng kaniyang kabuhayan sa pag-aaral. Siya ang nátakdâáng bibigkás ng talumpating pagpapasalamat sa pagsusuot ng "muceta", at nakikinikinitá na niyang siya'y nasa gitna ng Paraninfo, sa harap ng lahat ng nangagtuturò, at siyá ang pinagtitinginanan at pinakikinggan ng madlá. Lahat ng ulong iyón na bantóg sa karunungan sa Maynilà na nangakalubóg halos sa kanilang mga muceta na ibá't ibang kulay, ang lahat ng babaing dumaló dabil sa hangád na makapanoód lamang, na noong mga taong nakaraán ay hindi mán siyá nápuna, kundi mán nátingnan siyá na may pagwawalang bahalà, ang lahat ng kaginoóhang iyon na noóng siyá'y batà ay kaunti ng pagulungan siya sa karuaheng sinásakyan sa gitna ng lusakán na wari áso lamang, sa mga sandaling iyon ay siyá ang pakikinggan, at ang mga tuturan naman niya ay mga maiínam na bagay, yaong hindi pá nádidingig sa poók na iyón; lilimutin ang sarili upang alalahanin ang mga kaawàawàng mag-aaral sa haharapin, at siya'y papasok sa sosyedad sa pamagitan ng talumpating yaón.

VII

SI SIMOUN

Ang mga bagay na ito'y siyáng náiisip ni Basilio ng dumalaw sa libingan ng kaniyang iná. Bábalík na siya sa bayan, ng tila nakábanaág ng liwanag sa loob ng kakahuyan at nakadiugíg ng lagitlít ng mga sangá, yabág ng paa at lagaslás ng dahon...... Ang ilaw ay nawala, nguni't ang yabág ay unti-unting lumálapít at nakita niya ang isáng anino sa gitna ng poók na iyón at ang tinutungo ay ang kaniyang kinalalagyan.

Si Basilio ay sadyang hindi mapamahiin at lalò na ngâ ng makabiyak na siyá ng maraming bangkáy ng tao at nakapangalagà sa di kakaunting naghihingalô: nguni't ang ma-