— 55 —
hindi naipatawad sa kaniya ng mabuting praile, sapagka't
sinirà ang pag-asa ng boong klase at pinabulàanan ang
hulà. Nguni't sino ang makahihinalà na lalabas ang ano.
máng bagay na may kabuluhan sa isang ulong ang buhok.
ay walang ayos na nagtátapós sa katawan ng isang indio na
masama ang sapatos at kahahalò pá lamang sa kaniya sa mga
ibong mapangunyapít? At kung sa ibang paaralán, na may sadyang pagnanasang ang mga batà'y matuto, ay nagágalák ang.
mga nagtuturò kung nakakatagpo ng gayón, sa mga paaralan
namang pinamamahalaan ng mga taong ang lalong marami'y
nananalig na ang matuto ay makasasamá (kun di man sa lahát
ay sa mga nag-aaral) ang nangyari kay Basilio ay hindi
minabuti, kaya't hindi na siyá nátanóng sa boông taón.
ano pa't tatanungin siyang muli kung hindi rin makapagpapatawa sa kangino man?
Masama ang loob at may tangkâ nang iwan ang pagaaral ng nálipat siyá sa ika apat na taón sa latín. ¿Anó pa't mag-aaral, bakit hindi magtulog na lamang na gaya ng ibá at umasa na sa isang pagpapasumalá?
Ang isa sa mga guro ay lubhang kilala, náiibigan ng lahát: kinikilalang marunong, dakilang makatà at may mga pagkukurong malayà. Isang araw na kasama ng mga "colegial" sa paglilibót ay nakagalít ng ilang "cadete", na, naging sanhi muna ng simulang pag-aaway at pagkatapos ay paghahamunán. Aug pari, na marahil ay naalaala ang kaniyang mabuting kabataan, ay nangayag at nangakong bibigyan ng mabuting nota ang sinomang makilahok sa pakikilaban sa linggóng darating. Naging masigla ang boong linggong yaón: nagka. roon ng pulúpulutong na paglalabang ginamitan ng sable at tungkód at sa isa'y napatangi si Basilio.
Dinalá siyáng galák na galák ng mga nag-aaral at iniharáp sa propesor; mulâ niyon ay nakilala siya at kina. giliwan. Dahil sa pangyayaring itó at dahil din naman sa kaniyang pagsusumigasig sa pag-aaral ay nagtamó siyá ng mga sobresaliente at medalla pá ng taong iyon. Sa nakitang itó, si kapitáng Tiago, na mulâ nang magmonha ang anak ay may pagkamuhi na sa mga praile, sa isang sandaling masayá, ay inudуиkán siyang lumipat sa Ateneo Municipal, na noon ay lubhâng nábabantóg.
Isang bagong mundó ang nahayag sa kaniyang mĝa matá,