— 54 —
kaniyang siyam na kasama (sampûsampû kung litisin upang
matapos agád) ay hindi nagtamó ng gayon, kaya't nanga.
takdaáng ulitin ang sangtaón pagkadungo.
Nang siya'y nasa pangalawang taon ay binigyán siya ng mabuting pabuyà ni kapitáng Tiago, sapagka't nanalo ang manók niyang inaalagaan, at ibinili niya agád ng sapatos at sombrerong pieltro. Dahil sa kanyang binili at sa mğa damit na ibinigay sa kaniya ng kaniyang panginoón, na tinatabas niyang muli at isinusukat sa sariling katawán, ay bumutibuti ang kaniyang ayos, nguni't hanggang doón na lamang naman. Sa isang clase na marami ang pumapasok ay lubhang mahirap na mápuna ng guro ang isang batà, at ang nag-aaral na sa una pang taon ay hindi nápatampók dahil sa katangian ó kaya'y hindi kinalugdán ng nagtuturo ay mahirap nang mápuna sa boô niyang pag-aaral. Gayon man ay nagpatuloy din siya, dahil sa isá na sa kaniyang hilig ang pagkamatiyagâ.
Waring nagbago ng kaunti ang kaniyang kalagayan ng pumasok sa pangatlong taon. Ang naging guro niyá ay isang dominikong masayá, palabirô at mapagpatawá sa mga tinuturuan, nápakatamád, sapagka't karaniwang ang pinapagsasalaysay ng katuturan ng lisyon ay ang kaniyang mga itinatangì lamang; kung sa bagay ay nasisiyahan na sa kahi't anó, Nang panahong iyon ay gumagamit na si Basilio ng sapatos at mga baròng malinis at pinirinsâ. Sa dahiláng nápuna ng propesor na hindi siya matatawanín at namatyagán sa kaniyang mga matang hapís at malalaki ang tila pagtatanóng, ay ipinalagay siyang baliw at isang araw ay tinangkang gipitín siyá sa pagtatanong ng lisyon. Sinagot ni Basilio ng mula sa punò hanggang dulo na walang kagatól-gatól sa isá mang f: tinawag siyáng bubutok ng guro, nagsalaysay ng isang bagay na ikinátawa ng boông klase, at upang maglalò ang halakhakan at matibayan ang pagkakapangalan ay tinanong pa siya ng ilang tanong na kasabay ang pagkindát sa mga minámabuti, na ang ibig sabihin ay:
—"Tingnan ninyo't masasayahan tayo."
Noón ay marunong na ng wikàng kastilà si Basilio at nakasagot nang walang nakatawa. Ang bagay na iyón ay isinama ng loob ng lahat, ang inaantay na kamalian ay hindi sumipót, walang napatawá at ang pangyayaring iyon ay