— 53 —
Sinundan ang karuahe, nawala sa kaniyang paningin, ipi. nagtanong ang bahay, at sa dahiláng noóng araw na iyón pumasok si María Clara sa kombento at si kapitáng Tiago ay nalulungkot, ay natanggap siyang alilà, na walang upa, nguni't sa isáng dako namán ay may pahintulot siyáng makapag-aral, kung kailán niyá ibig, sa San Juan de Letrán.
Nang may ilang buwan na siyá sa Maynilà ay pumasok sa "primer año" sa latín, kahi't nanglilimahid, masama ang bihis at nakabakyâ. Nang makita ng mga kasamahan ang kaniyáng gayák ay lumayo sa kanyá, at hindi siyá kinatungo kailan man uğ katedrátiko, isáng dominikong magandang lalaki, subali pa nga't ikinúkunót ang noó kung siya'y mákita. Ang mga tanging salitâ na nágamit ng dalawá sa loob ng walóng huwang pasukan ay ang pagbanggit ng pangalan sa pagbasa ng talaan at ang sagot na adsum na itinútugón sa araw-araw ng nag-aaral. Gaanóng kapaitan ang linálagók niyá sa tuwing paglabas sa klase at ng mahulaan ang sanhi ng inaasal sa kanya ay gaanong luha ang namulás sa kaniyang mga matá at gaanong hinanakit at daíng ang sumisilakbó't iniinís sa kaniyáng pusò! Gayón na lamang ang kaniyang iyak at paghihinagpis sa ibabaw ng libingan ng kaniyang iná na pinagsasabihan ng mga lihim niyang sakit, kahihiyan at kaapihán, ng siya'y ipagsama ni kapitáng Tiago sa San Diego ng magpapaskó! Gayón man ay isinasaulo niyáng buong buo ang lisyón kahi't marami ang hindi niyá natatarók! Nguni't tumiwasáy siyá sa hulí, ng makitang sa tatló ó apat na raáng kasama niyá ay may apat na pû lamang ang nátatanong sapagka't nápuna silá ng paring nagtuturo dahil sa kiyas, ó kaya'y dahil sa isang kalikután, ó kaya'y dahil sa kinalugdán, kaya'y dahil sa ibá pang sanhi. Sa isáng dako naman ay nagagalák sa gayon ang marami sa nag-aaral sapagka't hindi na silá mag-iisip at magninilay.
—Pumapasok sa colegio hindi upang mag-aral kun di upang makaraan sa paglilitis, at kung naaaring maisaulo ang aklát ¿anó pá ang mahihingi? naaaring tapusin din naman ang pinag-aaralan sa sangtaong pagpasok.
Si Basilio ay nakaraan sa paglilitis dahil sa pagsagot sa tanging katanungang ginawa sa kaniya, nguni't parang mákina, walang hintô't walang kahinğáhingá, at ang tinamó ay "aprobado" sa gitna ng tawanan ng mga lumilitis. Ang