— 51 —
pagrerepike ay humintô at ang mga tugtóg na lamang ang
nádidingig sa katahimikan ng gabi, sa gitna ng lagaslás ng
mga dahong pinagagaláw ng simuy at mğa dagundóng ng
alon ng kalapít na lawà, na wari'y hilík ng kadalagahang nálululong sa isáng mahimbing na pagtulog.
Ang binatà ay patungóng lumalakad na waring ibig makaaninag sa gitna ng kadilimán, may gun guní siyáng taglay dahil sa poók at mğa sandaling iyon. Maminsanminsa'y itinataas ang ulo upang tanawin ang mga bituwin sa pagitan ng mga dahong matataas ng kakahuyan, at pagkatapos ay ipinagpapatuloy ang lakad na hinahawi ang mga sangá at siít na nakasasagabal sa kaniya. Kung minsan ay bumabalík sa pinanggalingan, ang kaniyang mga paa'y nasasalabid sa isáng puaòng maliit, másasagasà sa isang ugát na nakalabas sa lupà ó sa isang sangáng bakli. Nang makaraan ang kalahating oras ay nakarating sa isang munting batis na sa kabilang pangpang ay may isang wari bundókbundukan, na sa gitna. ng kadiliman ay nagaanyông malaking bundók. Tinawid ni Basilio ang sapà sa tulong ng pagpapalungdáglundág sa mĝa bató na namumukód sa kaitimán sa ibabaw ng kinang ng tubig, umakyat sa bundókbundukan at tinungo ang isang munting pook na nakukulóng ng matanda't sirasirang muog. Tinungo ang puno ng baliting malaki, mahiwaga, matandâ, (na binubuo halos ng mga ugát na pataas at paibabâ na wari mğa sangáng nangagkasalásalabíd) na nakatayo sa kalagitnaan.
Huminto sa piling ng isang buntón ng bató, nag-alis ng sombrero at waring nanalangin. Yaón ang libingan ng kaniyáng Iná, at ang unang dinadalaw niyá ay ang libingang iyong walang nakababatíd, walang nakamamalay. Sa dahihilang sa kinabukasan ay dadalaw sa mag-aanak ni kabisang Tales, ay sinamantalá niyá ang gabing yaón upang gumanáp Ba gayong kautangán.
Naupo sa isang bató at waring nag-iisip. Sumipót sa kanyang pagbubulaybulay ang mga panahong nakaraán na waring isang maitim at malahang badha na mapulápulá sa simulâ, matapos ay nakapangingilabot, may bahid na dugo, at sa huli'y maitím, maitím, abuhing malinaw at untiunting lumiliwanag. Ang dakong dulo ay hindi mámalas sapagka't nákakanlóng sa isang ulap na nagbabanaag ng liwanag at pagbubukang liwayway......