Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/56

From Wikisource
This page has been validated.

— 50 —

—¡Ang dati rin, matatandang balità!—ang may yamót na putol ni Basilio—¡Kailan pá man ay ganyan ang pasalubong ninyo sa akin!

Ang binatà'y hindi ganid, nguni't sa dahiláng madalás siyang makagalitan ni kapitáng Tiago, ay iginagantí namán niyá sa kaniyang mga napag-uutusan. Ang matanda'y nagapuháp ng bagong balità.

—Namatay ang isá nating mangsasaka, ang matandang. bantay sa gubat, at hindi pumayag ang kura na málibing ng libing mahirap, sapagka't mayaman daw ang panginoon!

—At sa anó namatay?

—Sa katandaan na!

—Ba, namatay sa katandaán? Kung namatay ng dahil sa isang sakit man lamang sana!

Ang ibig ni Basilio ay may sakit, dahil sa kaniyang hangád na makagawa ng "autopsia".

—¿Wala na baga kayong maibabalità sa aking bagong bagay? Nawawalán tuloy ako ng gana sa pagkain dahil sa pagbabalità ng mga bagay na gaya rin ng dati, ¿May balità baga kayong ukol sa Sapang?

Isinalaysay ng matanda ang pagkakabihag kay kabisang Tales. Si Basilio ay napahintông nágmumunimuní at hindi umimík. Hindi na nakakain.

VI

SI BASILIO

Nang ang mga kampana'y nagrerepike na, dahil sa misa sa hating gabi, at nang ang mga may ibig pa sa mahimbing na pagtulog kay sa mga kapistahan ay nagigising at bumúbulóng bulóng dahil sa kaingayan, ay dahandahang pumanaog si Basilio at nagpaligid ng makalawá ó makaitló sa ilang lansangan, at nang matunayang walang sumusunod at nakababatyág sa kanya ay nagliglig sa mga landás na di pinagdaraanan ng maraming tao at tinungo ang dating gubatán ng mga Ibarra, na nábilí ni kapitáng Tiago, nang inangking at ipinagbili ng Pamahalàan ang mga pag-aari noón.

Sa dahilang ang Paskó ng Panganganák sa taóng yaón ay nátamà sa paglift ng buwan ay laganap doon ang kadilimán. Ang