Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/55

From Wikisource
This page has been validated.


— 49 —

—Yari na, ginoong Simoun,—ang sabi ni kapitáng Basilio—tutungo kami sa Tiani upang tingnan ang inyong mga hiyas.

—Akó ma'y paparoon din—anáng alperes—sapagka't kailangan ko ang isáng tanikalâ sa relos, nguni't mayroon akóng maraming gawain.... Kung iibigin sana ni kapitáng Basilio. na siyá na ang mamanihalà.....

Malugód na sumang-ayon si kapitáng Basilio at sa dahiláng ibig niyang makasundo ang militar upang huwag siyang magambalà, sa paggambala sa kaniyang mga tao, ay ayaw tanggapin ang halagang pinagpipilitang dukutin ağ alperes sa bulsá.

—Iyon na ang aking pamaskó!

—Hindi ko mapapayagan, kapitán, hindi ko mapapa- yagan!

—¡Siya, siyá! ¡Sakâ na tayo magtuós sa hulí!—ang sabing mapagparayà ni kapitáng Basilio.

Ang Kura man ay nangangailangan din ng hikaw at ipinagbilin sa kapitán na ipakibili na siya, tuós.

—Ang ibig ko ay yaong mabuti. Saka na tayo magtuos.

—Huwag kayong mag-alaala P. Kura,—ang sabi niya, na ibig ding makasundo ang nasa dako ng simbahan.

Isáng patibay na masama ng kura ay ikagagambala niyá ng malaki at ibayo pá ang magugugol: ang hikaw na iyon ay isáng sápilitáng handóg. Samantala namá'y pinupuri ni Simoun ang kaniyáng mga hiyás.

—¡Nakágugulat ang taong itó!,—ang sabi sa sarili ni Ba- silio sa lahat ng pook ay nakapangangalakal.... At kung paniniwalaan natin ang ilán, ay binibili niya sa ilang ginoo, sa munting halagá, ang mga ipinagbili din niyang hiyás upang ipang-alay.... ¡Ang lahat ay nakapangangalakal sa Sangkapuluang itó. Kamí lamang ang tanging hindi!

At nagpatuloy sa kaniyang bahay, sa bahay ni kapitáng Tiago, na tinátahanán ng isang katiwalà. Ináantay siyá, upang balitàan, ng katiwala na may malaking paggalang sa kaniyá mula noong mákita siyáng bumúbusbós na waring inahing manók lamang ang iniiwàan. Ang dalawáng manggagawà ay nápipiit, ang isa'y mátatápon sana sa malayong bayan.... namatay ang ilang kalabaw.

4