Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/53

From Wikisource
This page has been validated.


— 47 —


piso upang benditahin, alinsunod sa hatol ng kura—yaon ang pinakamabuting panglaban sa episootia na natagpuan ng kura at ng Pamahalaan—nguni't gayón man, ay nangamatay din. Datapwa'y kinakalamay niya ang sarili, sapagka't matapos máwisikán ng agua bendita, matapos ang mga latín ng pari at mga ceremonias, ay nagtaglay ng ugaling pagmamataas ang mga kabayo, nangagmalaki na, ayaw pasingkáw, at sa dahilang siya'y mabuting kristiano ay hindi niya mapalò, sapagka't sinabi sa kaniya ng isang Hermano tercero ua benditado ang mga kabayong iyon.

Ang panghuli ng prusisión ay ang Birhen, suot "Divinal Pastora" na may sombrerong ayos frondeuse na may malapad na pardilyas at mahahabang pakpák ng ibon upang ipakilala ang paglalakbay sa Jerusalem. At upang maipahiwatig ang panganganák, ay ipinag-utos ng kura na patambukin ang tiyan at lagyán ng mga basahan at bulak sa ilalim ng saya, upang walang mag-alinlangan sa kaniyang kalagayan. Ang Birhen ay isáng magandang larawan, na may anyông hapís, na kagaya ng lahát ng larawang gawa ng mga pilipino, ayos na nahihiya dahil sa ginawa sa kaniya marahil ng P. Kura. Sa dakong harapán ay may ilang kantores at sa likurán ay iiáng músiko at ang mga kaukuláng guardia sibil. Gaya ng maaantay ay hindi kasama ang kura, matapos ang kaniyang ginawa: nang taong iyon ay masama ang loob, sa dahilang kinailangan niyáng gamitin ang boô niyang katalinuhan at pananalitang pasilòsilò upang ang mga taong bayan ay magbayad ng tatlong pung piso sa bawa't isáng "misa de aguinaldo" at hindi dalawang pů na gaya nang dating halagá.

—Nagiging pilibustero kayo—ang sabi.

Lubhang natutubigan marahil ang kotsero dahil sa mga bagay na napagkitá en prusision, sapagka't nang makaraan itó at nang ipag-utos ni Basilio na magpatuloy, ay hindi nápuná na ang ilaw ng paról ng karomata ay namatay. Sa isáng dako naman ay hindi rin nápuna ni Basilio sapagka't nalilibáng sa pagmamasid sa mga bahay na naiilawan, sa loob at labás, ng mga paról na papel na maiinam ang ayos at iba't ibá ang kulay, mga bituwing nalilibid ng bilog na may mahahabang palabuntót, na pag náhipan ng hangin ay naglalagaslasan, at mga isdång ang ulo't buntót ay gumagalaw, na may baso ng ilaw sa loob, na pawàng nakasabit sa ba-