— 45 —
salem, ayon sa pananampalaya sa Pilipinas; ang kaniyang
kasama at marahil ay kapanahóng taga Europa ay si Noel
nguni't may matalagháy at masayang anyo, kay sa kay Matusalem.
—Nang kapanahunan ng mga banál—ang hakàhakà sa sarili ng kotsero—marahil ay walang guardia sibil, sapagka't kung mayroon, ay hindi sila mabubuhay ng malaon dahil sa pangungulata.
Makaraan ang matanda ay sumunod ang tatlóng Haring Mago na nangakasakay sa mga kabayong tátalóntalón, lalònglalo na ang sa maitim na haring Melchor na waring ibig sagasàin ang kaniyáng mga kasama.
—Wala, wala ngang guardia sibil noon-ang patuloy ng kot- sero na kinaiinggitán sa sarili ang mga maliligayang kapanahunang iyon.—sapagka't kung mayroon ay nádalá na sa bilag- guan ang maitím na iyan na naglililikót sa piling niyáng dalawáng kastilà (si Gaspar at si Baltazar).
Nguni't sa dahilang aápuna niyá na ang maitim ay may korona at hari ding kagaya ng dalawáng kastilà, ay sumaisip niya ang hari ng mga tagalog at nagbuntónghiningá.
—¿Alám po ba ninyo—ang magalang na tanóng kay Basilio kung ang paang kanan ay nakakalág na?
Ipinaulit ni Basilio ang katanungan.
—Paang kanan nino?
—¡Nang hari!—ang sagot na maraha't malihim ng kotsero.
—¿Sinong harì?
—Ang hari natin, ang hari ng mga tagalog.....
Si Basilio ay ngumiti at ikinibit ang balikat.
Muling nagbuntonghiningá ang kotsero. Ang mga tagá bukid ay may isang alamát na, ang kanilang hari umanó na nakukulong at nakatanikala sa yungib ng San Mateo, ay darating isang araw at sila'y palalayàin. Bawa't isang daang taon ay napapatid ang isá niyáng tanikala, kaya't nakakawala na ang mga kamay at paang kaliwa: wala nang nátitirá kundi ang paang kanan. Kung nagpúpumiglás ó gumagalaw ang haring ito ay nagiging sanhi ng paglindól at panginginig ng lupà; nápakalakás, kaya't inaabután siya ng isáng butó, na nadudurog sa kaniyang pisíl, ng sino mang nakikipagkamáy. Tinatawag siyang Bernardo ng mga tagalog,