— 44 —
kababalaghan na gayon ang pangyayari! Maaaring huwag
sumilang ang araw at samantalà'y mapanalo ang usap bago
mag-umaga. Maaaring makabalík ang kaniyang amá; makapupulot siya sa bakuran ng isang gusì, ang mga tulisán
ang siyang may padalá sa kaniya ng gusì; ang kura,
si P. Camorra na nagbibiro sa kaniyáng parati, ay mangyayaring dumating na kasama ng mga tulisán.... lumalaon
lumalaon ay unti-unting naguguló ang kaniyáng mža pagiisip hanggang, sa, dahil sa pagkapatâ at pagdadalamhati ay
nákatulog, na pinapangarap ang kaniyang kabataan doon sa
gitna ng kagubatan: siya'y naliligò sa batis na kasama ang
dalawa niyang kapatid, may mga isdâng sarisari ang kulay
na napahuhuling wari'y tangá, at nayayamót siyá sapagka't
hindi siyá masiyahang loob sa panghuhuli niyóng mga isdâng
nápakaamò: si Basilio ay nasa ilalim ng tubig, nguni't hindi
niyá maalaman kung bakit ang mukha ni Basilio ay ang
sa kaniyang kapatid na si Tanò. Sila'y minamatyagán mulâ
sa pangpáng ng kaniyang bagong pinaglilingkurang babai.
V
ANG "NOCHE BUENA" NG ISANG KOTSERO
Dumating si Basilio sa San Diego ng mga sandaling inililibot ang prusisión sa mga lansangan ng bayan. Siya'y nabalam ng ilang oras sa kaniyang lakad sapagka't nahuli ng guardia sibi ang kotsero na nakalimot magtagláy ng sédula personal at dinalá sa kuartel upang iharap sa comandante, matapos mabigyan ng ilang halibas ng kulata.
Muling napigil ang kalesa upang paraanin muna ang prusisión at ang kotserong nabugbóg ay nag-alis ng sombrero at nagdasal ng isáng Amá namin sa pagdaraan ng isáng larawan, ng isang bantóg na banál mandín, na nasa andás. Anyông matandang may mahabàng misáy na nakaupo sa gilid ng isang hukay na nasa ilalim ng isang punong may sarisaring pinatuyong ibon. Isáng kalán na may isang palayók, isáng lusonglusungan at isang kalikut na pandurog ng hitsó ang kaniyang mga tanging kasangkapan, waring upang ipa. kilala na ang matanda ay naninirahan sa gilid ng libingan at doon linulutò ang kaniyang pagkain. Iyon ay si Matu-