— 42 —
ng babai ang piso hangga ngayon, ang ginagawa ko naman ay
hindi ko siyá binabayaran sa panginge kung siya'y nananalo, a bá!
Sa gayong paraan ay nasingil ko siyá ng labing dalawang kualta;
dahil lamang namán sa kaniyá kung kaya ako nagsusugál. Hindi
ko mapapayagang hindi akó pagbayaran. abá!
Tátanungin sana ng isang kalapít kung bakit hindi siyá pinagbabayaran ni IIma, Bali sa isang maliit na utang, nguni't natalasan ng pangingera, kaya't nagpatuloy kaagád:
—¿Alam mo Huli ang mabuti mong gawin? Isangla mo muna sa halagang dalawang daan at limáng pùng piso ang bahay, sanlâng pagbabayaran hanggang sa manalo ang usap.
Ito ang pinakamabuti sa mga balak, kaya't tinangkang gawin noon ding araw na iyon. Sinamahan ni Hermana Bali at linibot nila ang lahát ng bahay ng mayayaman sa Tiani, nguni't walang pumayag sa gayong kasunduan: anilá'y talo ang usap, at ang pagtulong sa isang kalaban ng mga prayle ay parang humahanda na sa paghihiganti nitó. Sa kahulihulihan ay nakatagpo rin ng isang matandang mapanata na nahahág sa kaniyang kalagayan, ibinigay ang halagá sa pamag-itan ng kasunduan na si Huli'y paaalilà sa kaniyá hanggang sa mabayaran ang utang. Sa isáng dako mamán ay walang maraming gagawin si IIuli, manahî lamang, magdasál, samahan siya sa simbahan, magbanatá maminsan-minsan ng patungkol sa kaniya. Lumuluhàng pumayag si Huli sa kasunduan, tinanggap ang salapi at nangakong sa kinabukasan, araw ng Paskó, ay maglilingkód na siyá.
Nang matanto ng matanda ang gayong halos pagbibili ng katawán, ay nag-iiyák na wari'y balà. Di yatà't ang apó niyáng yaón na ayaw niyang palalakarin sa init ng araw upang huwag masunog ang balát, si Huling may maliliit na daliri at mapulang sakong, idi yatà! ang binibining yaón na siyang pinakamagandá sa nayon at marahil ay sa boong bayan, na lagi nang tináta patán ng mga binatang nagtutug- tugan at nagkakantahan, Idi yatà! ang bugtong niyang apó, ang kabugtong niyang anák, ang tanging lugód ng malabo ni- yang paningin, yaong pinangarap niyang nakasayang maha bà, nagsasalita ng wikang kastilà at nagpapaypay ng pamaspás na may mga pintá, na kagaya ng mga anak ng mayaman, ¿yaón ang papasók na alilàng kagagalitan at pagwiwikàan, upang ma-