Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/47

From Wikisource
This page has been validated.


— 41 —


wát sa pagbibigay ng tubós ay lalawig ang araw at si kabisang Tales ay pupugutan ng ulo. Ang sabing ito'y nakatulíg sa dalawá, na kapuwa mahihinà at kapuwa walang magawa. Si tandâng Selo ay mápaupô't mapatindig, akyát manaog, hindi malaman ang tunguhin, hindi malaman ang lapitan. Si IIuli'y padulógdulóg sa kaniyáng mga larawan ng santó, ulî't uling binilang ang salapi, nguni't ang dalawáng daang piso'y hindi nararagdagán, ayaw dumami, biglang magbibihis, iipunin ang lahat ng kaniyang hiyás, hihinging sanguni sa mantandâ, tatangkâíng makipagkita sa Kapitán, sa hukóm, sa tagasulat, at sa teniente ng Guardia sibil. Oo ang sagot ng matandâ sa lahát, at pag sinabi ng batang huwag ay huwag din naman siya. Dumating ang iláng babaing kapitbahay na kamag-anakan at kakilala, mĝa marálità, at may maralità pa kay sa ibá, mga walang ma lay na tao at minámalaki ang lahat ng bagay. Ang pina kamatalas sa lahat ay ang pusakál na pagingera na si Hermana Bali na nanirahan sa Maynilà upang mag ejercicio sa beaterio ng La Compañía.

Ipagbibili ni Huli ang lahat ng kaniyang mga hiyás liban lamang ang isáng agnós na may brillante at esmeralda na bigay ni Basilio. Ang agnós na iyon ay may kasaysayan; ibinigay ng monja na anák ni kapitáng Tiago sa isang ketongin, dahil sa pagkakagamót ni Basilio sa may sakit ay ibinigay nito na parang isang handóg. Hindi niyá máipagbilí hanggang hindi maalaman ng nagbigay.

Madaling ipinagbili ang mga sukláy, hikaw at kuwintás ni Huli sa isang mayamang kapitbahay at dinagdagán pá ng limáng pûng piso; kulang pa rin ng dalawang daan at limang pû. Maaaring isangla ang agnós, nguni't nápailing si Huli. Iminunkahi ng isang kalapít na ipagbili ang bahay, bagay na sinangayunan ni tandâng Selo ng boông lugód, sapagka't bábalík sa gubat upang makapangahoy na muli na gaya noong una, nguni't ang gayon ay hindi mangyayari ang sabi ni Hermana Bali sa dahilang wala ang tunay na may-ari.

—Minsan ay pinagbilhan akó ng isáng tápis ng asawa ng bukóm, sa halagang piso, at kadumatdumat ay sinabi ng asawa na wala raw kabuluhan ang bilihang iyon sapagka't wala siyang malay. Abá! Kinuha sa akin ang tápis at hindi isinauli sa akin