Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/45

From Wikisource
This page has been validated.


— 39 —


ipagkakaloob sa sino mang hindi makagawa sa kanila ng higit sa ginawa ko. Diligin muna silá ng dugo ng nagnanasà at ilibing sa kanila ang asawa't anák.

Ang kinahinatnán, sa katigasang ito ng ulo, ay ang bigyán ng katwiran ang mga prayle ng mga matapát na hukóm, at siya'y pinagtatawanan ng balà na at pinagsasabihan pang hindi naipapanalo ang mga usapin ng dahil sa katwiran. Gayon man ay patuloy din siya sa paghahabol, linalagyán ng punlo ang kaniyang baril at mahinahong liniligid ang kaniyáng lupain. Sa kapanahunang iyon ay waring isáng pangarap ang kaniyang kabuhayan. Ang kaniyang anak na si Tanò,, binatang kasingtaas ng amá, at gaya ng kapatid na babai sa kabutihan, ay nasundalo pinabayaan niyang lumakad at hindi ibinayad ng makakapalit.

—Magbabayad akó sa mga abogado,-ang sabi sa anák na babaing umiiyák-kung manalo akó sa usapin ay mapababalik ko siyá, nguni't kung ako'y matalo ay dindî ko kailangan ang anak.

Lumakad ang anak at ang tanging balitang tinanggap ay ang pinutulan ng buhok at natutulog sa ilalim ng isang karreta. Nang makaraan ang anim na buwan ay may nagsabing nakitang dinala sa Carolinas; may ilang nagbabalitàng tila nakitang suot guardia sibil.

--¡Guardia sibil si Tanò! ¡Supmariosep!-ang pamangha ng ilán na sabay sa pagtatalukob kamáy: Si Tanò na napakabuti at napakabait! ¡Rekimeternam!

May ilang araw na hindi binati ng nunò ang amá, si Huli ay nagkasakit, nguni't hindi tumulò ang isá mang paták na luhà ni kabisang Tales: dalawang araw na hindi umalis sa bahay, na waring nangangambá sa pagsisi ng kaniyang mga kanayon; natatakot tawaging siyang pumatay sa kaniyang anak. Nguni't ng ikatlong araw ay muling lumalás na dala ang kaniyang baril.

May nagsapantahà na siya'y may nasàng pumatay ng tao at may isáng nagsabi na nádingíg umanong ibinúbulóng niyá ang balang ibaón ang uldóg sa mga lubák ng kaniyang bukirín kaya't mulâ noo'y kinatakutan na siyáng lubha ng prayle. Dahil dito'y pumanaog ang isang utos ng Capitán General na nagbabawal ng paggamit ng baril at ipinasásamsám na lahát. Ibinigay ni kabisang Tales ang kani-