— 38 —
palatuntunan, nguni't alám dín namán nilá na ang panggagaling sa malayò, ang pagtatawid dagat sa pagtupad sa katungkulang pinaghirapang lubha bago nákamít, mag-usig na
makagampang mabuti at pawalán ang lahat ng iyon dahil lamang
sa sinapantahà ng isang indio na ang katwiran ay gaganapin sa
lupà ng gaya sa langit, iabá! isá rin namang kahibangán ang gayón! Silá ay mayroon din namang mga kaának at marahil ay
may malaki pang pangangailangan kay sa indiong yaon: ang
isá'y may inang pinadadalhán sa tuwina ng salapî, at mayroon pa bang kabanalbanalang bagay na gaya ng pakanin ang
isáng iná?: ang isá ay may mga kapatid na babaing napapanahón sa pag-aasawa, ang isá pa'y may mga anák na malilift na nag-aantay ng pagkain na waring mga inakay sa
pugad na marahil ay mangamatay pagdating ng araw na
maalis sa katungkulan; at ang pinakamunti ay may asawang
nálalayo, lubhang malayò, na kung hindi tumanggap ng
ukol na salapi ay magigipit...... At ang lahat ng hukom
na iyon, na ang marami sa kanila'y may nga budhi at
may malinis na hilig, ay nag-aakalang ang lalong pinakamabuti nilang magagawa ay ang himukin sa pagkakasundo,
sa paraang magbayad si kabisang Tales ng buwis na hinihingi. Nguni't si Tales, gaya ng sinomang may maikling
paghuhulò, ay patuloy sa layon, kailan ma't nakakábanaag
ng katwiran. Humihingi ng mga katunayan, katibayan, kasulatan, título, nguni't walang maipakita ang mga prayle at
walang pinanghahawakan kundi ang mga nakaraang pagalinsunod.
Datapwâ'y, ang tutol naman ni Kabisang Tales:
—Kung sa araw araw ay naglilimós akó sa isang pulube upang huwag na lamang akóng yamntín ¿sino ang makapipilit sa akin na magpatuloy ako sa pagbibigay, kung nagpapakasagwa namán?
At walang makapag-patinag sa kaniya sa gayon at wala namang bantâng makapagpalubág sa kaniya. Walang nangyari sa Gobernador M.... na naglakbay at sinadya siyá upang takutin; ang lahat ay sinasagot niya nang:
—Magagawa ninyo ang ibig gawin, G. Gobernador, ako'y isáng mangmang at wala akóng lakás. Nguni't inayos ko ang mga bukiríng itó, ang asawa ko't anak ay nangamatay sa pagtulong sa akin sa paglilinis, kaya't hindi ko siyá ma-