na silang lahát. ¿Sino ang dayuhang iyon upang magkaroon ng karapatang makapag-ari sa kaniyang mga lupain?
¿Nagdalá baga siya ng pumarito ng isáng dakót man lamang
ng alabók na iyón? ¿Nabaluktót bagá ang isá man sa mğa
daliri niya sa pagbunot ng isang ugát man lamang na
nanuód doon?
Bugnót na sa mga pagbabalà ng prayle na nag-aakalang papaghariin ang kaniyáng mga karapatán sa lahat ng pa. raan, sa harap ng ibang naninirahan doon ay nagmatigás si kabisang Tales, ayaw magbayad, ni isá mang kualta, at dalá rin sa harap ang mapuláng ulap, ay sinabing ipagkakaloob lamang niya ang kaniyang mga bukirín sa dumilig muna doón ng dugo ng kaniyáng mga ugát.
Nang makita ni matandang Selo ang mukha ng kaniyáng anák, ay hindi nakapangahas na banggitin ang bu- waya, nguni't tinangka niyang paglubagín sa pagsasabi ng ukol sa mga kasangkapang pútik at ipinaalaala, na sa mga usapin, ang nananalo'y nawawalan ng barò't salawál.
—Sa alabók tayo mauuwi, amá, at wala tayong damit ng sumilang sa maliwang!-ang sagót.
At nagmatigás na sa hindi pagbabayad ni ibigay ang isang dangkal man lamang ng kaniyang lupà, kung hindi ipakikilala muna ng mga prayle ang katibayan ng kanilang paghahabol sa paraan ng pagpapakita ng kahi't anóng kasulatan. At sa dahiláng walang maipakita ang mga prayle ay nagkaroon ng usapin, at tinanggap ang gayón ni kabisang Tales sa pag-asang kundi man ang lahat ay may ilang lumilingap sa katwiran at gumagalang sa mga kautusán.
—Naglilingkod ako at marami ng taong ako'y naglilingkód sa hari, sa tulong ng aking salapi at mga pagpapagod, -ang sabi sa mga nagwiwikang wala siyáng mararating:— hinihiling ko sa kaniya ngayón na lingapin ang aking katwiran at lilingapín niyá akó.
At akay ng isang kasawíán at parang sa usapin ay natatayâ ang kaniyang kabuhayan sa araw ng búkas at ang sa kaniyang mga anák, ay ginugol ang kaniyang naiipon sa pagbabayad sa mga abogado, escribano at procurador, na hindi pa kabilang dito ang mga kawaní at mga taga-sulat na sinasamantala ang kaniyang kamangmangán at kalagayan. Yao't dito siyá sa pangulong bayan ng lalawigan, nakararaan siyá ng boong mag-