Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/41

From Wikisource
This page has been validated.


— 35 —


na si Tanò ay may labing apat na taón pá lamang. Tinawag na ngang kabisang Tales, nangailangang magpagawa ng chaqueta, bumili ng isang sambalilong pieltro at humanda sa paggugugol. Upang huwag makipagkagalit sa Kura at sa Pamahalaan ay pinagpapaluwalan niya ang naaalís sa padrón, ipinagbabayad ang mga umaalís at namamatay, nag aaksayá ng maraming panahón sa paniningil at pagtungo sa Cabecera.

—Magtiis ka na! Ipagpalagáy mong dumating ang mga kamag-anak ng buwaya, ang sabing nakangiti ni tandang Selo.

—Sa taóng darating ay magsusuot ka na ng de cola at paparoon ka sa Maynilà, upang mag-aral na gaya ng mğa dalaga sa bayan ang sabí-sabi ni kabisang Tales sa kaniyang anák kailan ma't mádidingig dito ang mga pagkatuto ni Basilio. Nguni't ang taong darating na iyon ay hindi sumasapit at sa kanya'y napapalit ang pagdaragdag sa buwis ng lupà; natubigan na si kabisang Tales at nagkakamót ng ulo. Ibinibigay na ng lutuang putik ang kaniyang bigás sa caldero.

Nang umabot sa dalawáng daang piso ang canon ay hindi na nagkasiyá si kabisang Tales sa pagkamot sa ulo at pagbu- buntong hininga: tumutol at bumulóngbulóng. Nang mangyari ang gayon ay sinabi sa kaniyá ng prayleng tagapangasiwà, na, kung hindi siyá makababayad ay ibá ang magtatanim sa inga. lupàng yaón. Maraming may nasà ang nagbabayad.

Inakala ni kabisang Tales na nagbibiro ang prayle, ngu- ni't tinótotoo ng pari ang pagsasalità't itinuturò ang isá sa mga alilà niya na siyang kukuha ng lupà. Ang kaawà-awang tao'y namutla, ang tainga niya'y umugong, isáng mapulang ulap ang tumakip sa kaniyang paningin at doo'y namalas ang kaniyang asawa't anák na babaing nangamumutlâ, yayát, naghihingaló, dahil sa walang gisaw na lagnát. At pagkatapos ay namalas ang makapál na gubat na naging bukirín, namalas niya ang agos ng pawis na dumídilig sa mga lubák, namalas niya siyá, siyá rín, ang kaawaawang si Tales, na nag-aararo sa gitna ng arawán, na nasusugatan ang mga paa sa mga bató't tuód, samantalang ang uldóg na iyon ay nagliliwaliw na nakasakay sa isáng sasakyán at yaong kukuha ng kaniyang art ay susunódsunod na gaya ng isang alipin sa kaniyang panginoon. ¡Ah, hindi! ¡makálilibong hindi! Lumubog na muna ang mga kaparangang yaón sa káilaliman ng lupà at málibing