Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/40

From Wikisource
This page has been validated.


— 34 —


man, ay pinabayaan siyá ng tagapangasiwà ng mga pari upang pag-anihan, kailan man at magbabayad siyá sa taón taón ng isang munting halaga, isang walang ga ano, dalawang pů ó tatlong pung piso.

Si Tales, na mabait sa dilàng mabait, ayaw sa usapín na gaya ng ibá at masunurin sa mga praile gaya ng ilán, sa pag-iwas na ibunggo ang isang palyók sa isáng kawali, gaya ng sabi niyá, (sa ganáng kanya'y kasangkapang bakal ang mga prayle at siya'y kasankapang putik), ay umalin- sunod sa kahilingan, dahil sa naisip niyang siya'y hindi marunong ng wikàng kastilà at walang maibabayad sa mga tagapagtanggol. At saka sinabi sa kanya ni tandang Selo, na:

—Tiisin mo na! malaki pá ang magugugol mo sa pakikipag-usapin ng isang taon kay sa magbayad ng makásampû ng hinihiling ng mga paring puti. ¡Hmh! Marahil ay gantihín ka naman nilá ng misa. Ipagpalagáy mong ang tatlong pung pisong iyán ay natalo sa sugal, ó kaya'y nahulog sa túbig at kinain ng buwaya.

Ang ani ay naging masaganà, nábili sa mabuting halaga, at inisip ni Tales ang magtayo ng isang bahay na tablá sa nayon ng Sapang, ng bayang Tiani, na kalapít ng San Diego.

Nakaraan ang isá pang taon at dumating ang isá pang mabuting ani, at dahil sa paganitó ó pagayóng sanhi ay ginawa ng mga prayle na limáng pûng piso ang canon, na pinagbayaran namán ni Tales upang huwag siláng magkagalit at sa dahiláng umasang maipagbibilí sa mabuting halaga ang asukal.

—¡Tiisin mo na! Ibilang mong lumaki ang buwaya,-ang payo ni matandang Selo.

Nang taong yaón ay naganap ang kanilang pangarap: manirahan sa bayan, sa kanilang bahay na tablá sa nayon ng Sapang, at inisip ng amá at ng nunò ang papag-aralin ang dalawang magkapatid, lalonglalò na ang babai, si Juliana ó Huli, gaya ng kanilang tawag, na magiging maganda sa wari. Isang batang lalaki, si Basilio, na kanilang kaibigan at kagaya rin nilá sa uri ay nag-aaral na noon sa Maynilà.

Nguni't ang pangarap na ito'y waring ukol sa hindi pangyayari.

Ang unang ginawa ng bayan, ng makita ang untiunting pagtighȧw nilá, ay ang paghahalal na kabisa sa pinakamalakás na gumawa sa mag-aanak; ang anák na panganay