—Ang masasabi ko sa inyó, ang sagót ng Kapitán na nagkaroon na ng giliw sa mga pook na iyón-huwag ninyong paták na túbig: ito'y malaki sa alín man panganlán itó ng sa mga lawà sa Suisa at malaki pa kahit pagpisanin ang lahát ng lawà sa España; nakákita akó ng matatandang mangdaragát na nangaliyó rito.
Ang mga nakabasa ng unang bahagi ng kabuhayang itó, ay maaalaala marahil ang isang matandang magkakahoy na naninirahan doon sa kalookan ng isang gubat.
Si Tandang Selo ay buháy pá at kahi't ang kaniyang buhok ay pumuti na ay mabuti rin ang kaniyang katawan. Hindi na nanghuhuli sa bitag at hindi na rín nagpuputól ng kahoy; sa dahilang bumuti na ang kabuhayan ay nag- gagawa na lamang ng walis.
Ang kaniyang anak na si Tales (palayaw ng Telesforo) ay nakisama muna sa sa isang namumuhunan; nguni't ng malaunan, ng ng magkaroon ng dalawáng kalabaw at mga iláng daáng piso, ay gumawa na sa sarili, na katulong ang kaniyang amá, ang kaniyang asawa at ang kaniyang tatlong anák.
IIinawan ngâ at lininis ang makapál na gúbat na nasa labasan ng bayan na inakalà nilang walang may-ari. Nang kanilang ginagawa ang lupà at maayos ay inagnát na isá isá siláng mag-aanak at namatay ang Iná at auák na panganay na si Lucía, na nasa katamtamang gulang. Ang bagay na iyón na sadyang ibinibigay ng pagkakabungkal ng lupà na saganà sa sarisaring bagay, ay inakalà niláng higantí ng mga lamán-lupàng naninirahan sa gubat, kaya't kinalamay nila ang kanilang loob at ipinagpatuloy ang gawain sa pag-asang lumipas na ang pagkamuhi ng espíritu. Nang aanihin na ang unang taním ay inangkin ang mga lupang iyon ng isang "Corporación" ng mga prayle na may pagaari sa bayang kalapit, na ang ikinakatwiran ay nasa sa loob ng kanilang mga hanganan, at upang mapatunayan ang gayon ay itinayo noon din ang kanilang mga muhón. Gayón