pangalan. Isang malamig na simuy ang nagpapakulót sa
malápad na ibabaw ng tubig.
—Maala-ala ko palá, Kapitán--ang sabi ni Ben-Zayb, na kasabay ang paglingón-¿alám bagá nínyó kung saan dako ng lawà nápatay ang isang nagngangalang Guevara, Navarra ó Ibarra?
Lahat ay napatingin sa Kapitán, tangi lamang si Simoun na ibinaling ang mukha sa kabilang dáko, na waring may hinahanap sa dalampasigan.
-¡Ay siyá ngâ!-ani aling Victorina,—¿saan Kapitán? nakaiwan kaya ng bakás sa tubig?
Kumindát ug makailan ang tinátanóng, bilang katunayan na laban sa kanyang kalooban ang katanungan; nguni't ng mabatyág ang samo sa mga matá ng lahát, ay lumapit ng ilang hakbang sa unahán ng bapór at minataan ang baybayin.
—Tumingin kayó roón-ang sabing marahan, matapos na maunawàng walang ibang tao alinsunod sa Cabo na nangulo sa pag-uusig, ng makita ni Ibarra na siya'y nakú- kulóng, ay lumunsád sa bangkâ, sa malapit sa Kinabutasan at sa kásisisid ay linangóy ang habang may dalawáng milla, na hinahabol sya ng punlô kailán ma't ilalabas ang ulo sa tubig upang humingá. Sa dako pa roon ay hindi na siya nákita, at sa malayôlayo pa, sa may pangpáng, ay nakakita ng wari'y kulay dugo. At ngayon ang ikalabing tatlong taon ng pangyayari, na walang kulang at labis na araw.
—¿Kung gayon, ang kaniyang bangkay?...—ang tanong ni Ben-Zayb.
—Ay nakisama sa bangkay ng kaniyang amá,—ang sagot ni P. Sibyla; ¿hindi bá isá ring pilibustero, P. Salvi?
—Iyan ang mga murang libing, P. Camorra, ¿anó?-ang sábi ni Ben-Zaib.
—Lagi ng sinasabisabi ko, na pilibustero ang mga hindi bumabayad ng maringal na libing-ang sagót na tumatawa ng tinukoy.
—Nguni't canó ang nangyayari sa inyó G. Simoun?— ang tanong ni Ben-Zayb nang makitang ang mag-aalahás ay nakatigil at nag-iisip—¿Nahihilo bagá kayó, kayong mapag- lakbáy, sa isáng paták na tubig na kagaya nitó?