Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/37

From Wikisource
This page has been validated.


— 31 —


lisismo ó kaya'y kahinaan sa paghuhulò at pagka walang katibayan ng pag-iisip ng mga lahing dilaw, ay malilinaw lamang ng isang pagkilalang masusi ng antropología.

Si Ben-Zayb ay gumamit ng kilos guro at pinagalaw ang hintuturo sa hangin, sabáy sa pagtataká sa sariling pag-iisip. na marunong humangò ng maraming banggit at katuturan sa maliliit na bagay. At sa dahiláng nákita, na si Simoun ay nagbubulaybulay dahil sa bagay na kasasabi pá lamang niyá,. ay tinanong na kung ano ang iniisip.

—Dalawang bagay na mahalaga ang sagot ni Simoun, -dalawang katanungang maidaragdag sa inyong susulatin.. Una: ¿anó kaya ang nangyari sa diablo ng biglâng mákulong sa bató? ¿nakatanan? ¿naiwan doon? ¿napilpíl? At ang pangalawá, ay kung yaóng mga hayop na naging bató na nápagkita ko sa ilang museo sa Europa, ay hindi kaya. nagkagayon ng dahil namán sa ilang santóng nabuhay na. una sa panahon ng pag-apaw ng tubig sa sangmundó?

Walang kapingaspingas na birò ang pagkakasábi ng mag-aalahás at itinukod pa pa sa noo ang kanyang hintuturò, tanda ng malaking pagmumunimuni, kaya't si P. Ca- morra ay walang kapingaspingas ding sumagot na:

—Sino ang makapagsasabi, sino ang makapagsasabi!

—At yayamang mga alamát ang napag-uusapan at pumapások tayo sa lawà,-ang tugón ni P. Sibyla ang kapitán ay dapat makabatid ng marami....

Nang mga sandaling yaón ay pumapások sa wawà ang bapór at ang tanawing nasa harap ay lubhang mainam. Ang lahát ay nalugód. Sa harapán ay nakalátag ang magandáng lawà, na nalilibid ng baybaying berde at bughaw na buiubundukin, na waring isang malaking salamin na nakukulong ng palibid na pawàng esmeralda at sápiro, na sa kaniyang lunas ay nanánalamín ang langit. Sa kanan ay nakalatag. ang dalampasigang mababà, na may mga look na may maiinam na anyô, at doon sa malayò, halos napapawi na sa paningin, nároon ang kawit ng bundók Sungay; sa harapán at sa huling dákong abót ng paningin ay nakatayo ang Makiling, mataás, nakahahanğà, napuputúngan ng manipis na úlap; at sa kaliwa ang pulông Talím, ang Súsong-dalaga na taglay ang matatambok niyang gúhit na naging sanhi ng kaniyáng.