—Nguni't kayó, na siyang gobernador eclesiástico, ang ka- halili ng Arsobispo, canó ang gagawin ninyo kung sa inyo. mangyari ang bagay na iyon?
Kinibít ni P. Salvi ang kaniyang balikat, at payapang tumugon ng:
—Walang kabuluhang isipin ang isang bagay na hindi mangyayari.... Datapwâ'y yayamang napag-uusapan na rin lamang ang tungkol sa mga alamát, ay huwag ninyong káligtâán ang lalong mainam, dahil sa siyang lalóng katotohanan, ang kababalaghán ni San Nicolás, na marahil ay nakita ninyó ang mga sirâng muog ng kaniyang simbahan. Ibubuhay ko kay G. Simoun na siyang hindi dapat makaalám. Waring noong araw ay maraming buwaya sa lawà't sa ilog, mga buwayang napakalalakí't napakamasibà na dinudumog ang: mga bangka at pinalulubog sa hagkís ng kanilang buntôt. Sinasabing isang araw, ang isang insík na hangga noon ay hindi pa nagbibinyagan, ay dumaraan sa harap ng Simbahan, at walang anó anó'y sásisipót sa kaniyang harapán ang demonio, na anyong buwaya, na itinaob ang kaniyang bangkâ upang lamunin siyá at dalhin sa Impierno. Sa tulong ng Dios ay tinawagan ng insík si San Nicolás at noon din ay naging bató ang buwaya. Sinasabi ng mga matatanda na ng kapanahunan nila ay nakikilala pang maliwanag ang anyo ng hayop sa putól putól na batóng nálalabí; sa ganang akin ay masasabi kong nakita ko pang malinaw ang ulo at kung huhulaan ang katawan dahil sa aking nakita ay dapat na naging lubhang malaki ang hayop na yaón.
—¡Kahangahangang alamát! ang pabulalás ni Ben-Zayb, at magiging sanhi ng isang salaysayin. Ang pagsasabi ng anyo ng hayop, ang takot ng insík, ang tubig ng ilog, ang kakawayanan.... At magiging sanhi ng pagsusuri ng mga pananampalataya. Sapagka't tignán ninyó; tawagan pá namán ng isáng insík na hindi binyagan, sa gitna ng kasakunàan, ang isang santó na hindi niyá sinasambá at marahil ay kilala lamang sa dingíg.... Ito'y hindi sákop noong sá wikaing mabuti pá ang masamáng kilalá na, kay sa mabuting kikilalanin pá. Kung ako'y mápapásakainsikán at málalagay akó sa gayong kagipitan ang una ko munang tatawagan ay yaóng lalong hindi kilalang santó sa calendario kay sa kay Confusio ó Budha. Kung ito'y isáng kataasang tunay ng uri ng kato-