Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/35

From Wikisource
This page has been validated.


— 29 —


pagparito, at humarap sa Ilustríslina na hinilingang tumupád sa pangakò. Ang kahilinga'y hindi mangyayari, at ipinagawa nga ng Arsobispo iyang yungib na nákita ninyong may takip at napapalamutihan sa pagpasok ng mga punong gumagapang. Diyan siyá nanahán at namatay, at diyan din siyá nálibing, at ayon sa sabisabihan ay tumatagilid si doña Jerónima kung pumapasok sa yungíb dahil sa katabaán. Ang kabantugan niya sa pagkaenkantada ay buhat sa ugali niyang paghahagis sa ilog ng mga kasangkapang pilak na ginagamit. sa mga pigíng niyang dinádaluhán ng maraming ginoo. Isáng lambát ang nasa ilalim ng tubig at siyang sumasahód sa mga kasangkapang doon na nahuhugasan. Wala pang dalawang pung taon ang nakararaan na ang ilog ay dumadaang halos. humáhalik sa pintuan ng yunğib, nguni't untiunting lumálayo, gaya rin naman ng pagkalimot ng mga taga rito sa kay doña Jerónima.

—¡Mainam na alamát!-ani Ben-Zayb, susulat akó ng ukol diyan. Nakaaawà.

Iniisip na ni aling Victorina na manirahan sa isa namang yungib at sasabihin na sana ng unahan siyá ni Simoun, na nagsabing:

—Nguni't anó ang palagay ninyó sa bagay na iyón, P. Salvi-ang tanóng sa pransiskano na walang imik dahil sa may iniisip-hindi bagá lalóng mabuti, sa palagay ninyó, na dapat sanang hindi sa isang yungib siyá inilagay ng Arsobispo kung di sa isáng beaterio, sa Santa Clara, sa halimbawâ?

Galáw na pamangha ni P, Sibyla, na nakakitang si P. Salvi ay nanginig at sumulyáp sa dako ni Simoun.

—Sapagka't hindi namán mainam-ang patuloy na walang tigatig ni Simoun,-iyáng bigyan ng munting tahanan ang mga nádadayà natín; labág sa pagkamapanampalataya ang ipain siyá sa mga tuksó, sa isang yungib, sa tabi ng ilog nangangamoy ninfa ó kaya'y driada ang gayón, Marahil ay naging mainam pá, lalo pang kabanalan, lalò pang magandá, lalò pang kápit sa ugali dito, ang kulungin siyá sa Santa Clara, na waring isang bagong Eloisa, upang madalaw at mahimok maminsánminsán, Anó ang sábi ninyo?

—Hindi ko mahahatulan ni dapat kong hatulan ang kagagawan ng mga Arsobispo ang tugóng mabigat ang loob ng pransiskano.