Nang mga sandaling iyon ay siyang paglabás sa eskotilya. ng ulo ni Simoun.
—Nguni't saan bagá kayó nagsuot?—ang sigaw sa kanyá ni D. Custodio na nakalimot na sa sama ng loob:-hindi ninyó nákita ang pinakamainam sa paglalayág!
—Psh! ang sagot ni Simoun nang makaakyát na ng túluyan; nakakita na akó ng maraming ilog at maraming tánawin, kaya't wala ng may kabuluhan sa akin kun di iyóng may mga alamát....
—Kung sa alamát, ay may ilán ang Pasig—ang sagot. ng Kapitán, na ayaw mawalang kabuluhan ang ilog na kaniyáng nilalayagan at pinagkakakitaan ng pagkabuhay,—nariyan ang Malapad-na-bató, na sinasambá noong kapanahunang hindi pá dumarating dito ang mga kastilà, na umano'y tirahan ng mga espíritu ng mawala na ang pananalig diyan at masalaulà na ang bató ay naging tirahan ng mga tulisán, na mulâ. sa tugatog niya'y hinaharang ang mga bangkâ na nakikilaban na sa agos ay nakikilaban pá sa mga tao. Nang makaraan iyon at sa kapanalunan na natin, kahit nábabakás sa kanyá ang kamay ng tao, ay may náhabanggit ding manġisángisáng bangkang nálataób, at kung sa pagliko ay hindi ko ginagamit ang anim kong sentido ay hindi malayong mapabarandal sa kanyang mga tagiliran. Náriyan pá ang isang alamát, sa yungib ti doña Jerónima, na maibubuhay sa inyó ni P. Florentino.
—Walang hindi nakaalam niyon!-ang pawalang bahalang sabi ni P. Sibyla.
Nguni't ni si Simoun, ni si Ben-Zayb, ni si P. Irene, ni si P. Camorra ay nakaaalám, kaya't hiningi nilang isaysáy: ang ilan ay pabiro at ang iba'y sapagka't sadyang ibig mabatíd. Ang klérigo ay umanyông pabiro, kagaya ng paghiling. ng ilán, gaya ng pagsalaysay sa mga bata ng isang sisiwa, at nagsabing:
—May isang lalaking nag-aaral na nangakong pakakasal sa isang babai, sa kanyang bayan, at pagkatapos ay hindi na naalaala ang pangakò. Dahil sa pagkamatapát ng babai ay inantay-antay ng malaon ang lalaki: nakaraan ang kanyang kabataan, naging dalagsót at isang araw ay nabalitaang ang kanyáng katipán sa pag-aasawa ay siyang Arsobispo sa Maynilà. Nagsuot lalaki at lumigid ungós ng Cabo, sa