Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/362

From Wikisource
This page has been validated.


— 356 —


ngáraón, mga kabinataan, na magtátaglay ng lakás ng buhay na tumanan na sa aming mga ugát, ang kalinisan ng mĝa pagkukurò na nadungisan sa aming mga kaisipán at ang la gabláb ng sigaló na namatay na sa aming mga pusò?.... Inaantay namin kayó, oh mğa binatà, halíkayó at kayo'y aming ináantáy!

At sa dahiláng náramdamang ang kaniyáng mga matá'y pinangingilirán ng luha ay binitiwan ang kamay ng maysakit, tumindig at lumapit sa durungawan upang tanawin ang malawak na dagat. Iláng mahinang katóg sa pintuan. ang pumukaw sa kaniyá sa gayong pag-iisip. Yaón ay ang alilà na nagtatanong kung magsísindi ng ilaw.

Nang ang pari'y lumapit sa may sakit at nakita itó, sa tulong ng liwanag ng lámpara, na hindi kumikilos, nakapikít ang mga mata, ang kamay na pumigil sa kaniyang kamay ay nakabuká at nálalahad sa gilid ng hihigán, ay inakalà niyang natutulog; nguni't nang maramdamang hindi humíhingá, ay marahan niyang hinipò at saka pa lamang náhalatâng patay unti-unti nang lumálamig.

Nang magkagayo'y lumuhód at nanalangin.

Nang tumindig at pinagmasdan ang bangkay na sa mukha'y nábabakás ang isang matinding hapis, an ng isáng boông buhay na walang kabuluhan, na tinaglay hanggang sa dako pa roon ng kamatayan, ay nangilabot ang matandâ at bumulong na:

— Kaawaan nawa ng Dios ang mga naglikô sa kaniyá ng daan!

At samantalang ang mga alilàng tinawag niyá ay nangagsisiluhód at nangagdádasál ng patungkol sa namatay, mga alilang maurirà at nangalílibáng sa pagtingin sa hihigán at inuulit-ulit ang mga sunod sunod na requiem, ay kinuha ni P. Florentino sa tataguán ang bantóg na tak báng bakal na kinalalagyan ng malaking kayamanan ni Simoun. Iláng sandaling nag-alinlangan. dátapwa'y biglang pumanang sa hagdanang dalá ang takbá, na may tangkâ nang gagawin, tinungo ang batóng laging inuupán ni Isagani upang siyasatin ang kailaliman ng dagat.

Tumingin si, P. Florentino sa dako ng kaniyang paanan. Sa ibaba'y nakikita ang paghampás sa mga ukab ng bató ng mga maiitím na alon ng Pasípiko, na lumilikha ng ma-