Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/363

From Wikisource
This page has been proofread.


— 357 —


uugong na kulóg, na sabay sa pagniningning na wari'y apóy ng mga alon at mga bulâ, dahil sa tamà ng sinag ng buwan, na wari'y dakótdakót na brillante na inihahagis sa hangin ng isang gawi ng kailaliman. Tumanaw sa boô niyang paligid. Nag-iisá siya. Ang ulilang baybayin ay nagtátapós sa malayò na wari'y isang paguulap, na pinapawi unti-unti ng buwan hanggang sa makiisà sa lalong malayong dako na abot ng tanáw. Ang kagubatan ay bumubulóng ng mga tingig na walang linaw. Sa gayo'y inihagis ng matandâ na itinapon sa dagat ang takba, sa tulong ng kaniyang malalakás na bisig.. Umikit na makáilan at matuling tumungo sa kailaliman na gumuhit ng pabalantók at naglarawan sa sa kaniyang makinis na ibabaw ng ibabaw ng ilang malamlám na sinag ng buwan. Nakita ng matanda ang pagtilampon ng mga paták, nakádingíg ng isang buluwák at naghilom ang tubig matapos malamon ang kayamanan. Nag-antabáy ng iláng sandali upang tingnan kung may isasauli ang kailaliman, nguni't muling naghilom ang mga alon na mahiwagang gaya ng dati, at hindi naragdagán ng isá mang kutón ang kaniyang kulót na ibabaw, na waring sa nilapadlapad ng dagat ay walang nahulog kundi isang munting bató lamang. —¡ltagò ka ng Kalikasan sa kailaliman na kasama ng mga korales at mga perlas ng kaniyang walang pagkapawing mga dagat!-ang sabi ng klerigo na iniunat ang kamáy. Kapag sa isáng banal at mataás na layon ay kakailanganin ka ng mga tao, ay matututuhan kang kunin ng Dios sa sinapupunan ng mga alon.... Samantala, diyán ay hindi ka makagagawa ng kasamáán, hindi mo ililiko ang katwiran, hindi ka mag-uudyók sa kasakimán!.....

Wakás ng "Ang Filibusterismo".