Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/361

From Wikisource
This page has been proofread.
—355—


nákikita nating naninirahan sa labis na paglingap sa sarili at
pinupuri sa tulong ng pilit na ngiti ang lalong mahahalay na ka-
gagawán, at nagmamakaawang hinihingi, sa pamagitan ng tingin,
ang isang bahagi ng nápalâ ¿anó't bibigyan sila ng kalayaan?
Sa piling ng España ó hiwalay sa España silá'y hindi mag-
iibá, at marahil, marahil ay lalo pang sásama! ¿Anó ang kaila-
ngan ng pag-sasarili kung ang mga alipin sa ngayon ay siyang
magiging mániniíl bukas? At gayón ngâ ang káuuwiau nilá
sapagka't umiibig sa paninifl ang sumasailalim nitó! Ginoong
Simoun, samantalang ang ating bayan ay hindi pa náha-
handâ, samantalang tumutungo sa labanán nang nadadayà ó
naiaabóy, na walang lubos na kaalaman sa gagawin, ay
masisirà ang lalong matalinong pagtatangkâ at mabuti pa ngâ
ang masirà sapagka't anó't ibibigay ang asawa sa lalaki
kung hindi lubos na iniirog at hindi nálalaáng magpakamatay
nang dahil sa kaniya?

Náramdaman ni P. Florentino na pinigilan ng may sakít
ang kaniyang kamay at pinisíl; huminto na inantay na mag-
salitâ, nguni't ang tanging naramdaman niya ay ang dalawa pang
pisí, nakadingíg ng isang buntónghiningá at mahabang ka-
tahimikan ang naghari sa loob ng silid. Ang dagat lamang,
na ang mga alon ay nangagsilaki dahil sa hangin sa gabí
na waring nágising sa init ng umaga, ang nagtatapon ng
kaniyán paós na ungol, ng kaniyang walang katapusáng
awit, pag bayó sa mga nagtayong talampás. Ang buwan, na
wala nang kalabang araw, ay payapàng nagtatalik sa langit, at
ang mga puno sa gubat na nangagyuyukùan ay nagsasalaysayan
ng kanilang matatandang alamát sa pamag-itan ng mahiwa-
gàng bulungan na ipinaghahatidhatiran ng hangin.

Nang makitang walang sinasabi sa kaniya ang may sakit,
si Padre Florentino ay bumulóng na wari'y natutubigan dahil
sa isang iniisip:

—¿Násaan ang kabataan na maglálaán ng kanilang mga
magagandáng sandali, mga pangarap at kasigabuhán sa ikabu-
buti ng kanilang bayan? ¿Násaan ang malingap na mag-
bububô ng kaniyang dugo upang hugasan ang ganiyáng
maraming kahihiyán, ang gayón karaming pagkakasala, ang
gayón karaming bagay na kamuhîmuht? Malinis at walang
bahid dungis ang kailangang maging buhay na alay upang
ang handóg ay maging karapatdapat!.... ¿Saan kayó na-