- —354—
pagpapahalaga natin sa karangalan, sa ating pagkamáma-
mayán... Pinababayaan natin at tayo'y nagiging katulong
ng masamang hilig, kung minsan pa'y ating pinupuri ang
gayón; kaya't dapat, lubhang nararapat na batahin natin ang
ibubunga at batahín din naman ng ating mga anak. Ang
Dios ng kalayaan, ginoong Simoun, na siyang nag-uutos sa
ating ibigin itó, at ginagawang maging mabigát sa atin
ang pasanin; isáng Dios ng kaawàan, ng pagpapantáypantay, na
sabay sa pagpaparusa sa atin ay pinabubuti tayo, at ang binibig-
yán lamang ng mabuting kalagayan ay yaóng nararapat bigyán
dahil sa kaniyang pagsusumakit; ang paaralan ng pagtitiis ay na-
kapagpapatibay, ang kaparangan ng tunggalian ay nakapagpapa-
lakás sa mga kaluluwa. Hindi ko ibig sabihin na ang ating
kalayaan ay tuklasin sa talas ng sandata; ang espada ay
di lubhang kagamitan sa mga bagong kabuhayan, nguni't,
oo, ating tutuklasin sa pamagitan ng karapatán, sa pamagitan ng
pagpapataás ng uri ng katwiran at ng karangalan ng tao, na
ibigin ang tapát, ang mabuti, ang dakilà, hanggang sa ma-
matáy ng dahil dito, at kapag ang isang bayan ay naka-
sapit na sa gayong kalagayan, ang Dios ay nagbibigay ng
sandata, at lumálagpák ang mğa diosdiosan, lumálagpák ang
mga maninifl na wari'y mga kastilyong baraha at kumiki-
nang ang kalayaan na kasabay ng unang liwayway! Ang
ating kasamaan ay sa atin din buhat, huwag nating sisihin
ang kabi't sino. Kung nakikita ng España na tayo'y hindi
lubhang masunurin sa pagpapahirap, at handa sa paki-
kipagtunggali at pagtitiis ng dahil sa ating mga karapatán,
ang España ay siya nang unaunang magbibigay sa atin ng
kalayaan, sapagka't kapag ang bunga ng paglilihi ay du-
mating na sa pagkahinóg ay ikahabághabág ang inang mag-
tangkang doo'y lumunod! Subali't samantalang ang bayang
pilipino ay wala pang sapát na katigasang loób upang ipa-
hayag, na mataas ang noo at lantád ang dibdib, ang ka-
niyang karapatan sa pamamayan at patibayan ito sa pama-
gitan ng mga paghihirap, ng kaniyang sariling dugo; saman-
talang nakikita natin ang ating mga kababayan, sa kanilang
sariling pamumuhay ay magdamdám hiya sa sariling kalooban,
mádingíg ang sigaw ng kaniyang budhi na nagbabalikwás at tu-
mútutol, at sa lantarang pamumuhay ay hindi umímík, maki-
sama sa pumápasláng upang kutyain ang pinasláng; samantalang.