- —353—
ang kabulukán sa kapamayanan nang hindi naghasik ng ano-
mang adhikâín. Sa pagtitiím na iyan ng mga masasamang hilig
ay walang sisipót kundi ang pananawà, at kung mayroon.
mang biglang sumipót, ay hindi mangyayaring hindi kabutí
lamang, sapagka't sa biglâbiglaan ay walang sisipót sa layák
kundi ang kabutí. Tunay nga't ang mga masasamang
hilig ng isang pamahalaan ay makamamatay sa kaniya, nguni't
pumapatay din naman sa kapisanang pinangyayarihan ng
gayón. Sa isang pamahalaan na may masamang hilig ay ba.
gay ang isang bayang walang tuus; sa pangasiwaang wa-
lâng budhi ay mga mamamayang maninibad at mapangayu-
papà sa loob ng bayan, nguni't mğa tulisán at magnanakaw sa
mga kabundukan! Kung ano ang panginoon, gayón ang alipin.
Kung ano ang pamahalaan, gayón ang bayan.
Naghari ang sandaling pananahimik.
—Kung gayo'y ¿anó ang nararapat gawin?-ang tanong
ng tingig ng may sakit.
—¡Magtiís at gumawâ!
—Magtiís.... gumawâ! ang malungkot na ulit ng may
sakit lah! madaling sabihin iyan kapag hindi nagtitiis....kapag
ang paggawa ay pinapagkákamít ng gantíng-palà!.... Kung
hinihingán ng inyong Dios ang tao ng gayóng karaming mga
paghihirap, ang taong babahagya nang makapanangan sa ka-
salukuyan at nag-aalinlangan sa mangyayari sa kinabukasan;
kung nakakita lamang kayó ng gaya ng mga nápagkitá kong
mga marálitâ, mğa kahabághabág na nangagbatá ng katakot-
takot na pahirap dahil sa mga pagkakasalang hindi nilá gi.
nawa, mga pagpatay upang mapagtakpán ang sala ng ibá ó
ang di kasapatán sa panunungkulan, mga kaawaawang amá
na inagaw sa kanilang tahanan upang gumawa ng walang
kapararakan sa mga lansangan na nasisirà sa tuwing umaga
at waring naglilibáng lamang sa pagsusugbá sa mga boô
boông magkakaanak sa karalitàan.... ¡ah! magtiis.... guma-
wa.... siyang kalooban ng Dios! Papanaligin ninyó silá na ang
kanilang pagkamatay ay siya niláng kaligtasan, na ang kanilang
paggawa ay siyang ikagiginhawa ng kanilang tahanan! Mag.
tiís.... gumawâ.... ¿Anóng Dios iyan?
—Isáng Dios na lubhang matapát, ginoong Simoun-ang
sagot ng pari;-isáng Dios na nagpaparusa sa kakulangán
natin sa pananalig, sa ating masasamang hilig, sa munting
- 23