Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/358

From Wikisource
This page has been proofread.
—352—


niyang tulong?-ang tanong ng tingig ng maysakit, na lipús
hinanakit.

—Sapagka't pinili ninyo ang isang paraan na hindi Niya
masasang-ayunan!-ang sagot ng pari na matigas ang boses


—ang kaluwalhatiang pagliligtas sa isang bayan ay hindi
kakamtín ng isang nakatulong sa pagpapahirap sa kaniya!
Inakala ninyong ang dinungisan at sinirà ng pagkakasala at
kasamaan ay nangyayaring malinis at mailigtás ng isá ring
pagkakasala at isa ring kasamáán! Kamalian! Ang pagta-
taním ay walang ibubunga kundi kakilakilabot na anyô; ang sala
ay mga salarín; tanging ang pag-ibig ang nakagagawá ng mga
bagay na kahanğàhanğà, ang kabaitan lamang ang naka-
pagliligtás! Hindi; kung balang araw, ang ating bayan ay
magiging malayà ay hindi dahil sa masasamang hilig at
pagkakasala, hindi sa paraang pasamaín ang kaniyang mga
anák, dayàin ang ilán, bigyan ng salapi ang ibá, hindi; ang
kaligtasan ay may kahulugang kabanalan, ang kabanalan ay
pagtitiis at pag-ibig.

—Siya tinatanggap ko ang inyong sabi, —ang tugón ng
maysakit, makaraan ang isang sandali —akó'y námali; nguni't sa
dahilang ako'y námali bay ipagkákaít na ba ng Dios na iyan ang
kalayaan sa isang bayan at ililigtas ang maraming lalò pang sala-
rín kay sa akin? ¿anó na lamang ang kamalian ko sa piling ng
mga pagkakasala ng mga namamahalà? ¿Bakit pahahalagahán
pa ng Dios na iyan ang aking kabuktután kay sa mga daing ng
nápakaraming walang sala? ¿Bakit hindi akó sinugatan at
pinagtagumpay pagkatapos ang bayan? Bakit binabayaang
magtiis ang gayóng karaming mga karapatdapat at mga tapát
na loob at nasisiyahang walang katigátigatig sa kanilang mga
paghihirap?

—Ang mga tapát na loob at ang mga karapatdapat ay
kailangang mangagtiis upang ang kanilang mga adhika'y máki.
lalà't lumaganap! Kailangang iwaksí ó basagin ang sisid-
lán upang halimuyak ang bangó, kailangang pingkiin ang
bató upang sumipót ang apóy! Mayroon ding pasiya ng
kalangitan sa mga paguusig ng mga maniniíl, ginoong Simoun!

—Alám ko, —ang bulong ng may sakit —kaya nga't inud-
yukán ko ang kabangisan....

—Tunay, kaibigan ko, nguni't ang lalòng maraming su-
mabog ay ang may taglay na kabulukán! Pinalusog ninyó