- —851—
máng pagkakagulat ang nagpapakumpisál at bíbihirang pi-
natlangán ang may sakit. Gabí na nang si P. Florentino, ay
tumindig na pinapahid ang pawis sa mukha at nag-isip.
Mahiwagang kadilimán ang naghahari sa loob ng silid, na
pinúpuno ng sinag ng buwán, na pumapasok sa mga duru-
ngawan, ng liwanag na malamlám at panganganinag na
wari'y singáw.
Sa gitna ng katahimikan, ang tingig ng pari ay nádi-
ngig na malungkót, banayad, nguni't mahimok:
—Patatawarin kayó ng Dios, ginoong.... Simoun,—ang
sabi: —batid Niyang tayo'y anák sa pagkakamali, nakita
Niya ang inyong tiniís, at sa pagpapahintulot na mátagpuán
ninyó ang kaparusahan ng inyong mga sala sa pagtatamó
ng kamatayan sa kamay din ng mga iniabóy ninyó, ay
nakikita natin ang Kaniyang walang hanggang awà! Siya
ang sumiràng isá-isá sa inyong mga paraan, ang lalong ma-
bubuti ang pagkakabalak, ang una sa pagkamatay ni María
Clara, makaraan yaón ay dahil sa isang pagkakálingát, at
pagkatapos ay sa isang paraang lubhang mahiwagà.... isun-
dín natin ang kaniyang kalooban at pasalamatan natin Siya!
—Sa ganang inyó, ang mahinàng sagót ng maysakit,—
ang kalooban niya ay, na, ang mga pulông ito'y...
—Magpatuloy sa kalagayang kinasasadlakán? —ang dug-
tóng ng klérigo nang makitang ang isa'y huminto. —Hindi ko
maalaman, ginoo; hindi ko mataho ang inaakalà noong Hindi
malirip! Batid kong hindi pinabayàan sa mga mahihigpit na
sandali ang mga bayang nananangan sa Kaniya at Siya ang
ginawang hukom ng kanilang pagkasil; alám ko na ang Ka-
niyang bisig ay hindi nawalâ kailan man kapag niyuyurakan
na ang katwiran at ubós na ang lahat ng paraan, ay hu-
mawak na ng sandata ang sinisiíl at nakipaglaban nang da-
hil sa kaniyang tahanan, dahil sa kaniyang asawa, dahil sa
kaniyang mga anák, dahil sa kaniyang mga di maitatakwil
na karapatán, na, gaya ng sabi ng makatàng alemán, ay
kumíkinang ng walang pagkaagnás at matibay doon sa kai-
taasan ng mga walang pagkapawing mga bituin! Hindi,
ang Dios na siyang katwiran, ay hindi mangyayaring mag-
pabayà sa kaniyang layon, ang layong kalayaan na kung walâ ay
wala namang katwiran!
–¿Kung gayon ay bakit ipinagkaft sa akin ang ka-