- —350—
nanalangin sa paanan ng Cristo, isinubsób ang mukha sa dala-
wáng kamay at pagkatapos ay tumindig na walang imík at ka-
galanggalang na waring tinanggap sa kaniyang Dios ang boông
bagsik, ang boông sanghayâ, ang boông kapangyarihan ng
isáng Hukom ng mga budhi, Inilapit ang isang sillón sa
dakong ulunán ng may sakit at humandang makingíg.
Sa mga unang salitang ibinulóng sa kaniyá ni Si-
moun, nang sabihin sa kaniya ang tunay na pangalan, ay
nápaurong ang matangding parì at tiningnáng lipús sindák
ang kaharáp. Ang may sakit ay malungkút na ngumiti.
Dahil sa paakakabigla ay hindi nasupil ang sarili, nguni't
madaling nakapagpigil, at matapos na matak pán ng panyô
ang mukha ay muling tumungó upang makingíg.
Isinalaysay ni Simoun ang kaniyang kasakitsakit na ka-
buhayan, ang pangyayaring may labing tatlong taon na, nang
magbalik siyang galing sa Europa, na puno ng pag-asa at
magagandang pangarap, ay umuwi siya upang makasal sa
isang binibining iniírog, at laán sa paggawa ng kabutihan at
magpatawad sa lahát nang gumagawa sa kaniya ng masama,
bayaan lamang siyang mabuhay nang mapayapà. Hindi nag-
kágayón. Isáng mahiwagang kamay ang nag-abóy sa ka-
niyá sa gitna ng isang kaguluhang gawâgawa ng kaniyang
kalaban pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayaan,
nawala sa kaniya ang lahát at nakaligtás lamang sa kamatayan
dahil sa kagitingán ng isáng kaibigan. Sa gayo'y isinumpa niyang
maghihigantí. Nagtanan siyang dalá ang kayamanan ng kaniyang
kaanak, na nábabaón sa isang gubat, nagtungo sa ibáng lupain
at inatupag niya ang pangangalakal. Nakilahok sa himagsikan sa
Cuba, na tinulungan ang magkabilang pangkát, nguni't saan
man, siya'y nakikinabang. Doon niya nakilala ang Gene-
ral, na noo'y komandante, na naging kakilala niyá dahil sa
pangungutang sa kaniya at pagkatapos ay naging kaibigan
dahil sa ilang kataksiláng ginawa na alám ng magaalahás
ang lihim. Siyá, sa tulong ng salapi ay nakuha niyang
máparito ang General, at nang nasa Pilipinas na ay ginawa ni-
yang isang bulag na kasangkapan at iniabóy niyá sa pag-
gawa ng lahát ng kasamâán na ang ginawa niyang pain
ay ang walang habas na katakawan sa salapi.
Ang pangungumpisal ay naging mahabà at mabigát,
nguni't sa boông hinabàhabà ay hindi nagpahalatâ ng ano-