Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/355

From Wikisource
This page has been proofread.
—349—


mamalas ang di kapalagayang loob at ang kaniyang bibig
ay napapangiwi dahil sa isáng ngiting lipos ng sakit.

—¿Nahihirapan bagá kayó, ginoóng Simoun?-ang ma-
suyong tanong ng paring lumapit.
-Kaunti, nguni't sa loob ng ilang sandali, ay matata-
pos na ang paghihirap ko ang tugón na iginaláw ang ulo.

Sindák na pinapagduop ni P. Florentino ang mga ka-
máy, dahil sa waring nakilala ang kakilákilabot na kato-
tohanan.

—¿Anó ang ginawa ninyo, Dios ko? ¿Anó ang inyong
ininóm? at iniunat ang kamay sa dakong kinalalagyan ng
mga botella

—Wala nang magagawâ! wala ng lunas!-ang sagot sa
tulong ng kasakitsakit na ngiti-¿anó ang ibig ninyong ga-
win ko? bago tumugtóg ang iká waló.... Sa patáy ó sa
buháy.... patay ay oo, nguni't buhay ay hindi.

—¡Dios ko, Dios ko! danó ang ginawâ ninyo?

—Huminahon kayó-ang putol ng may sakit sa tulong
ng isáng galáw ng mukhâ—ang nagawa'y nagawa na. Hindî
dapat na ako'y mahulog na buhay sa kamay ng sino man
....maaaring makuha ang aking lihim. Huwag kayong ma-
gambala, huwag kayóng malitó, wala nang magagawa....
Pakinggan ninyó akó! Sasapit na ang gabi at kailangang
huwag mag-aksayá ng panahón.... kailangan kong sabihin
sa inyo ang aking lihim, kailangan kong ipagkatiwalà sa
inyó ang hulí kong nasà.... kailangan kong makilala ninyó
ang aking kabuhayan.... Sa mga sandaling itó na katangi-
tangi ay ibig kong iibís sa akin ang isang pasanin, ibig
kong paliwanagan ninyó sa akin ang isang pag-aalinlangan
....kayóng may malaking pananalig sa Dios.... ibig kong
sabihin ninyo sa akin kung may isang Dios!

—Nguni't isang panglunas sa lason, ginoóng Simoun....
mayroon akong apomorfina.... mayroon akong eter, cloro-
formo....

At humahanap ang pari ng isáng botella hanggang si Si-
moun ay yamót na sumigaw.

—Wala nang mangyayari.... wala nang mangyayari!
Huwag kayong magaksayá ng panahón! Yayaon akóng dalá
ang aking lihim.

Ang klérigo'y litóng nagpatiluhód sa kaniyáng reclinatorio,