Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/354

From Wikisource
This page has been proofread.
—348—

Hindi na naaalaala ni P. Florentino ang pawalang bahalàng
pagtanggap sa kaniyá ng manghihiyás, na may dalawang buwan
pa lamang ang nakararaan, nang siya'y pinakiusapan tungkol
kay Isagani na náhuli dahil sa isang walang hunos diling sigabó
ng kalooban; nalimot ang pagsusumakit ni Simoun upang mádali
ang pag-aasawa ni Paulita, pag-aasawang siyang nag-abóy kay
Isagani sa isang matinding pag-ilag sa kapuwa tao, na si-
yang ikinababalino ng amaín: nalimot ni P. Florentino ang
lahát, at walang naáalaala kundi ang kalagayan ng may
sakít, ang kaniyang katungkulan sa pagka may bahay, at
sinasaliksik ang kaniyang pag-iisip, ¿Dapat niyang itagò upang
huwag masunod ang nasà ng may kapangyarihan? Nguni't
ang may katawan ay walang kaligáligalig: ngumingiti....

Ito ang sumásaisip ng mabuting matanda nang dumating
ang isang alilà at sinabi sa kaniyang ibig siyang makausap
ng may sakit. Tumungo sa kanugnóg na silíd, na malinis
at maaliwalas na tahanan, na ang pinakasahíg ay malalapad
na tabláng makikintáb at makikinis, na may malalakí't ma-
bibigát na sillon, na may matandang ayos, walang barnis
ni mga dibuho. Sa isáng dako ay may isang katreng ka-
magóng na may kaniyang apat na haliging pumipigil sa
lalagyan ng kulambô, at sa siping ay may isang mesa na
puno ng mga botella, hilatsá ng mga putol putol na kayo.
Ang isang luhuran sa dakong ibaba ng isáng Cristo at isáng
munting aklatan ang nagpapakilalang yaón ang silid ng pari,
na ipinagamit sa tumuloy, alinsunod sa ugaling pagpapatuloy
ng mga pilipino na ipagkaloob sa nanunuluyan ang lalong
masarap na pagkain, ang lalong mabuting silid at ang lalòng
mabuting hihigán sa loob ng bahay. Nang makitang bukás na
bukás ang lahat ng durungawan upang bayaang makapasok ang
dalisay na hangin sa dagat at ang alingawngaw ng kaniyang
walang patid na hinagpís, ay walang makapagsasabi sa Pilipinas
na doo'y may isang may karamdaman, sapagka't nákaugaliang
ilapat ang mga bintanà at sampû ng lalòng maliliit na puang
kailan pa ma't may isang sinisipón ó kaya'y nagdaramdam ng
munting sakit ng ulo na walang kakabúkabuluhan.

Tumingin si P. Florentino sa dako ng hihigán at namangha
siya nang makitang wala na sa mukha ng may sakit ang anyông
palagay at pakutyâ. Isáng lihim na sakit ang wari'y nag-
papakunót sa kaniyáng kilay, sa kaniyang paningin ay na.