Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/353

From Wikisource
This page has been proofread.
—317—


gayan ng may sakit ay hindi mangyayari ang gumalaw
at lalo pa mandíng hindi mangyayari ang maglakbay ng
mahaba Nguni't sinasabi ng telegrama na patáy ó
buháy......

Si P. Florentino ay huminto sa pagtugtog at lumapit
sa durungawan upang tanawin ang dagat. Ang patag na
ibabaw, na wala ni isá mang daóng, ni isá mang layag, ay
walang maiudyók sa kaniya. Ang pulông maliit na náta-
tanáw na nag-iisá sa malayò, ay walang sinasabi sa kaniyá
kundi ang taglay na pag-iisá at lalo pa mandíng nagpapa-
kilala nang pagkaulila ng tinátanáw na kalawakan. Ang walâng
hanggang kalawakan kung minsan ay pipingpipi.

Tinangka ng matandang hulaan ang ngiting malungkot.
at pakutyá na isinalubong ni Simoun sa balitang siya'y hu-
hulihin. Janó ang kahulugan ng ngiting iyon? ¿At ang isá
pang ngiti, na lalò pang malungkot at pakutya nang mabatid
na sa ika waló pa ng gabi magsisidating? Ano ang ibig
sabihin ng hiwagang iyon? ¿Bákit ayaw magtagò si Simoun?

Sumaalaala niya yaóng bantóg na tinuran ui San Juan
Crisóstomo nang ipinagtanggol ang eunuco na si Eutropio:
"Kailan man ay hindi naging lalong kapit na di gaya ngayón
sabihing: Kapalaluán ng mga kapalaluán at ang lahat ay
kapalalùán!"

—Oo, ang Simoung yaón na nápakayaman, makapang-
yarihan, kinatatakutan, nang wala pang iisang linggo ang
nakararaan, ngayon, ay sawing kapalaran pa kay Eutropio,
bumahanap ng matutuluyan, at hindi sa mga dambanà ng
isáng simbahan, kundi sa dukhang bahay ng isang klérigong
indio, na liblib sa kagubatan, sa ulilang baybáy ng dagat!
Kapalalùán ng mga kapalalùán at ang lahat ay kapalalùán!
At ang taong yaón, sa loob ng ilang oras, ay huhulihin,
aalisin sa hihigáng kinahihiligan, na di igagalang ang
kaniyang kalagayan, di bibigyang halaga ang kaniyáng mğa
sugat, sa patáy ó buhay ay hinihingi siya ng kaniyáng mga
kaaway! ¿Papano ang pagliligtás sa kaniyá? ¿Saan mátatagpô
ang mga bigkás na nakaaakit ng obispo sa Constantinopla?
Ano ang kapangyarihan ng kaniyáng mga dukhang salita,
ang salita ng isang klárigong indio, na ang kaniyang kaapi.
hán ay waring ikinagágalák at iniuudyók pa nga ng Simonng
iyon nang panahóng siya'y nagtatagumpay.