Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/352

From Wikisource
This page has been proofread.
—346—


mangyayaring si D. Tiburcio kundi si Simoun, na may da-
Jawáng araw pa lamang na kararating, na sugatán at wa-
ring pinag-uusig, na huminging patuluyin. Si D. Tiburcio
ay hindi napahinuhod; ang cojera ay ang kaniya ngâng pag.
kapilay, ang tanda niya sa katawán: yaón ay pakanâ ni
Victorina na ibig siyang mátagpûáng patáy ó buháy, gaya
ng isinulat ni Isagani buhat sa Maynilà. At iniwan ng ka-
awàawàng Ulises ang bahay ng pari upang magtago sa ku-
bo ng isang mangangahóy.

Walang pag-aalinlangan si P. Florentino na ang kasti-
làng hinahanap ay ang manghihiyas na si Simoun. Mahi-
wagà ang kaniyang pagdating, dugôduguan, mapangláw at
patangpatâ, na siya ang may pasán sa kaniyang takbá. Sa
tulong ng malayà't masuyong pagpapatuloy ng mga pilipino
ay tinanggap siya ng klérigo ng walang kaanóanománg ka-
siyasiyasat, at sa dahilang hindi pa umaabot sa kaniyang tainga
ang mga nangyari sa Maynilà ay hindi niya lubós na maisip ang
gayóng kalagayan. Ang tanging paghuhulòng pumasok sa kani-
yang pag-iisip ay ang pangyayari, na sa dahilang umalís na ang
General, ang kaibigan at nag-áampón sa mag-aalahás, ma-
rahil ang mga kagalit nitó, ang mga pinasláng, ang mga
napinsalan, ay nangagsipagbangon ngayón na sumisigaw ng
higanti, at siya'y pinag-uusig ng samantalang General upang
makuha sa kaniya ang kayamanang naipon. Iyan ang sanhî
ng pagtatanan! Nguni't ang kaniyang mga sugat ay isaan
nagbuhat? Nagtangkâ kayang magpakamatay? ¿yaón kaya'y
anak ng paghihiganti? ¿anák kaya ng isang kapusukán, gaya
ng ibig ipahiwatig ni Simoun? Tinanggap kaya niyá yaón
sa pag-ilas sa mga kawal na umuusig sa kaniya?

Ang huling paghuhulòng itó ang siyang inaakala niyang
siyang lalòng nálalapít marahil sa katotohanan. Nakatulong
pa sa pagpapatibay sa gayong paghuhulò ang telegrama na
katátanggap pa lamang niya at ang pagmamatigás ni Simoun
sa mulâ't mula pa na ayaw pagamót sa médikong nasa
pangulong bayan ng lalawigan.
Ang tanging tinatanggap ng mag-aalahás ay ang panga-
ngalagà ni D. Tiburcio at yaón pa man ay napagháhalatâng
wala siyang tiwalà. Sa pangyayaring ito'y itinatanong sa
sarili ni P. Florentino danó ang dapat niyang gawin pag-
dating ng guardia sibi na huhuli kay Simoun? Sa kala-