Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/351

From Wikisource
This page has been proofread.
—345—


na ay patuloy din sa pagtuturo ng isang bagay na nasa
likód ng mga bató......

XXXIX

Sa kaniyang ulilang tahanan, sa baybáy ng dagát, na
ang magalaw na ibabaw nitó'y nakikita sa mga bukás na
durungawan, na umaabot sa malayò, hanggang sa makiisá sa
hulíng dako ng nátatanáw, ay nililibáng ni P. Florentino
ang kaniyang pag-iisá sa pamag-itan ng pagtugtog sa armo-
nium ng mga malulungkot at di masasayang tugtugin, na
sinasaliwán ng maugong na alingawngaw ng mga alon at ng
bulong ng mga sangá ng kagubatang kalapit. Manga tunóg
na mahahabà, malalakás, mahinagpis, na wari'y mga ple-
garia, kabi't matitindí, ang lumálabás sa matandang pa-
nugtóg i P. Florentino, na isang tunay na músiko, ay
tumútugtog ng alinsunod sa biglang udyók ng kalooban at sa
dahilang siya'y nag-iisá, ay ibinubulalás ang mga kalungku-
tang taglay ng kaniyang pusò.

Sadya ngang ang matandâ'y malungkót. Ang kaniyang
mabuting kaibigan na si D. Tiburcio de Espadaña ay kaá-
alís pa lamang na umiilas sa pag-uusig pag-uusig ng asawa. Nang
umagang iyon ay tumanggap ng isang sulat ng isáng teniente
ng guardia sibil, na ang sabi ay:

"Minamahal kong Capellán: Katatanggap ko pa lamang.
ng isáng telegrama ng komandante na ang sinasabi'y: espa-
ñol escondido casa Padre Florentino cojera remimitirá vivo muerto.
Sa dahilang ang telegrama ay lubhang maliwanag ay pagsa-
bihan ninyo ang kaibigan upang huwag siyang matagpuan
pagpariyan kong huhulihin siya sa ika waló ng gabi.

Ang inyong tagisuyong,
PEREZ.

Sunugin ninyo ang sulat.

—A... a... ang Victorinang ito, ang Victorinang itó!
ang pautal-utal na sabi ni D. Tiburcio-a.... a.... ay
mangyayaring umabot hanggang sa ako'y ipabari!..

Hindi siya napigil ni P. Florentino: walâng náhitâ sa
pagpapaliwanag sa kaniya na ang ibig marahil sabihin ng
salitang cojera ay cogerá; na ang kastilang nagtatago ay hindi