Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/350

From Wikisource
This page has been proofread.
—344—


sa ibabaw ng isáng bató at ikinúkumpay ang baril na
hawak.

—Paputukán iyán!-ang sigaw ng kabo na bumitíw
ng isáng malaswâng tungayaw.

Tatlóng guardia ang sumunód, nguni't ang lalaki'y na-
katayo rin sumisigaw, nguni't hindi malinawan ang kani-
yang sinasabi.

Ang Carolino ay napahintô, na waring nákikilala ang
anyông iyon na nababalot ng liwanag ng araw. Nguni't
binantaan siyá ng kabo na tátarakan kung hindi magpapa-
putók. Tumudla ang Carolino at nádingíg ang isang putók.
Ang taong nasa bató ay umikit at nawalang kasabay ang
sigaw na nakatulig sa Carolino.

Isáng kilusan ang nangyari sa kagubatan na waring nag-
panakbuhan ang mga nároroon. Sa gayo'y nangagsisalunga
ang mga sundalo, na wala nang kalaban. Isa pang lalaki
na ikinukumpay ang isang sibát ang sumipót sa ibabaw ng
mga bató; pinaputukan ng mga sundalo, at ang lalaki'y unti
unting nápayuko, pumigil sa isáng sangá, isá pang putók at
lumagpák na pasubasob sa bató.

Matuling nangagsipangunyapít ang mga sundalo, na ini-
lagay sa dulo ng baril ang mga bayoneta at laán sa isang
labanang subúán; ang Carolino'y siyáng tanging dahandahan
ang lakad, na ang tingin ay pasulingsuling, malamlám, na
inaalala ang sigaw ng taong nabuwal dahil sa tamà ng
punlo. Ang unang dumating sa kaitaasan ay nakatagpo ng
isáng matandang naghihingalô, na nakatimbuwang sa bató;
sinaksák sa katawan ng bayoneta nguni't hindi man la-
mang kumisáp ang matanda ang matá'y nakatitig sa Caro-
lino, isáng titig na hindi mawari, at sa tulong ng mabutóng
kamay ay may itinuturò sa kaniyang nasa likod ng mga
bató.

Ang mga sundalo'y nangápalingón at nákitang si Carolino
ay maputlâng maputla, nakangangá at sa paningin ay nag-
lalarawan ng huling kisláp ng pag-iisip. Nákilala ng Caro-
lino, na dili iba't si Tanò, ang anak ni kabisang Tales, na
galing sa Carolinas, na ang naghihingalo ay ang kaniyang
lelong, si matandâng Selo, na, dahil sa hindi siya makausap
ay naghahayag sa kaniyá, sa tulong ng mga naghihinğalông
matá, ng isang kabuhayang lipús ng sakit. At nang bangkay