Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/349

From Wikisource
This page has been proofread.
—343—

—Tigil! —ang sigaw ng kabo na biglang namutiâ.

Ang mga sundalo'y humintô at tumingin sa kanilang
paligid. Isang munting bugá ng asó ang lumalabás sa isang
kasukalan sa dakong itaás. Humaging ang isa pang punlô,
nádingíg ang isa pang putók at ang kabo'y namaluktót na
nagtutungayaw at may sugat sa hità. Ang pulutóng ay bi.
nabaka ng mga taong nangagkakan lóng sa mga batóng nasa
kaitaasan.

Ang kabo, lipós kagalitan, ay tumurò sa dako ng kum-
pol ng mga balitî, at sumigaw nang:

Fuego!

Ang mga huli ay nangápaluhód, na puno ng sindák.
Sa dahilang hindi máitaás ang mga kamay, ay nangagma-
makaawang humábalík sa lupà at iniuuna ang ulo: may tu-
mutukoy sa kaniláng nığa anák, may sa kaniyang iná na
wala nang mag-aampón; ang isa'y nangangako ng salapî,
binábanggit ng isá ang ngalan ng Dios, nguni't ang bunga-
ngà ng mga baril ay nakababa na at isang kakilakilabot
na putók ang nagpapipi sa kanila..

Sinimulán na ang pakikipagputukan sa mga nasa sa
itaás na untiunting linaganapan ng asó. Dahil sa asóng itó
at sa kadalangan ng putók ay marahil hindi hihigit sa
tatló ang baril ng mga hindi nákikitang kalaban. Samantala
namán ay sumasagupà at nagpapaputok ang mga sundalo,
nangagkakanlong sa mga puno ng kahoy, humihiga at nag-
pupumilit na makapaitaás. Umiilandáng ang mga putol-pu-
tól na bató, nababakli ang sangá ng mga punò, natutukláp
ang lupà. Ang unang guardia na nagtangkang makapanhik
ay gumulong na may tama ng punlo sa balikat.

Ang lihim na kalaban ay nakalalamáng dahil sa kina-
lalagyán; ang mga matatapang na guardia na hindi maru-
nóng tumakbo ay kaunti nang umurong, sapagka't nanga-
hihinto at ayaw mangagsisulong. Ang pakikipaglabang iyón
sa hindi nakikita ay nakasindák sa kanila. Walâ siláng ná-
kikita kundi pawang asó lamang at batuhán; walâng bo-
ses ng tao, ni anino man lamang; mawiwikàng nakipagla-
ban silá sa bundók.

—¡Hale, Carolino! Násaán ang katalasan mong tumudlá,
p....! ang sigaw ng kabo.
Nang mga sandaling iyon ay isang lalaki ang sumipót